Paano gamitin ang limit orders sa GCrypto?
Ang limit orders ay bagong feature sa GCrypto kung saan pwede kang mag-set ng specific na price para sa pagbili o pagbebenta ng cryptocurrency. Gagana lang ang order mo kung ang market price ay tumugma o lumagpas sa napili mong presyo, kaya siguradong mangyayari ang trade sa presyong gusto mo o mas maganda pa.
Limit orders vs. Market orders
Walang mas magandang option dahil nakadepende ito sa trading goals mo at kung gaano ka kahanda sa risk. Tingnan ang pagkakaiba ng market orders at limit orders sa ibaba:
- Market orders ay executed agad sa best na available market price.
- Limit orders ay nagbibigay ng mas malaking kontrol sa presyong gusto mong i-trade, pero walang guarantee na agad ang pag-fill nito. Pwedeng hindi ma-fill ang order mo kung biglang tumaas o bumaba nang husto ang presyo bago magkaroon ng matching order sa gusto mong presyo. Pwede ka ring mag-set ng multiple limit orders para sa parehong cryptocurrency, bawat isa ay may iba’t ibang target price.
I-monitor ang status ng limit orders
Pwedeng i-track ang open limit orders sa asset dashboard, kung saan makikita mo ang details tulad ng presyo, amount, at status ng confirmation.
I-cancel ang limit order
Pwedeng i-cancel ang limit order mo anumang oras bago ito ma-fill. Makakatulong ito kung magbago ang market conditions o kung gusto mong i-adjust ang trading strategy mo.