Paano magbenta ng crypto sa GCrypto
Kapag nagbenta ka ng crypto gamit ang GCrypto, pwede mong i-convert ang cryptocurrency mo sa PHP o ibang crypto assets direkta sa GCash app. Kasama na sa ipinapakitang presyo ang service at platform fees, na updated kada 10 seconds.
Paano magbenta ng crypto direkta sa GCash app:
- Sa GCash app, i-tap ang GInvest > GCrypto
- I-tap ang crypto na gusto mong i-sell
- I-tap ang Sell
- Ilagay ang amount in PHP or crypto, tapos i-tap ang Sell
Pagkatapos mong magbenta ng coin, madadagdag ang amount sa Trading Wallet mo. Magiging updated rin ang crypto balances mo sa GCrypto dashboard.