Paano makuha ang GGives interest cashback
Makakakuha ka ng interest cashback kapag binayaran mo nang BUO ang GGives mo at least 1 month bago ang due date mo. Pwedeng lumabas ang cashback within 14 business days after ma-post ang payment.
Paano gumagana ang interest cashback
Ang cashback ay para lang sa mga susunod na buwan na binayaran mo nang maaga. Hindi mare-refund ang interest ng mga nakalipas na buwan. Kapag nagbayad ka nang maaga pero sa parehong buwan ng due date mo, wala kang makukuhang cashback.
Halimbawa: Nag-avail ka ng loan noong June 8, 2025 for 5 months. Due date: November 8, 2025
- Due date: July 8, 2025
- Paid: July 10, 2025
- Cashback months: September–November (3 months)
- Bakit? Kasi nagbayad ka after ng July 8 due date mo, nagsimula na ang August cycle at partially used na ito. Ibig sabihin, hindi kasama ang August sa cashback.
- Due date: July 8, 2025
- Paid: July 7, 2025
- Cashback months: August–November (4 months)
- Bakit? Kasi nagbayad ka before ng July 8 due date mo, hindi nagamit ang August cycle at qualified ito for cashback.
- Due date: July 8, 2025
- Paid: November 5, 2025
- Cashback months: None
- Bakit? Kasi nagbayad ka sa parehong buwan ng last due date mo, wala nang natirang buong unused months. Dito, walang applicable na cashback.
Saan ko makikita ang cashback ko?
Siguraduhing nabayaran mo ang buong GGives amount mo at least 1 month bago ang last due date mo.
- Buksan ang GCash app at i-tap ang Transactions
- Hanapin ang GGives Cashback o Amount Adjustment
- I-tap ito para makita ang Loan Account ID at reference number
- Puwede ka ring mag-request ng transaction history via email, pero maaaring may 2–3 days delay ito.
Wala akong natanggap na cashback
Kung hindi mo makita ang cashback sa Transactions, i-check ang App Inbox mo. Wala kang matatanggap na SMS para sa interest cashback.
Kung wala pa ring cashback adjustment after 14 business days, click here to contact support. Magre-reach out ang team namin sa’yo within 24 hours.