GGives payment error
Kung hindi mo mabayaran ang GGives mo, sundin muna itong steps:
- I-check ang GCash wallet balance mo: Siguraduhin na sapat ang laman para makover lahat ng dapat mong bayaran.
- I-check ang internet connection mo: Siguraduhin na stable at maayos ang signal.
- I-review ang transaction history mo: Tingnan kung pumasok na ang payment para maiwasan ang double payment.
Kung hindi ka pa rin makabayad via GCash app, puwede kang magbayad sa mga offline payment partners namin.