Multiple charges for one GGives payment
Kung may double payment ka sa GGives, i-check kung alin dito ang nangyari:
-
Na-auto-deduct ako pagkatapos kong magbayad manually.
- Napabayad ako nang dalawang beses o sobra sa amount due.
Auto-deducted after I paid manually
Note:
Kapag na-miss mo ang GGives due date mo, pwedeng mag-auto-deduct si GCash mula sa wallet mo. Hindi ito pwedeng i-off at bahagi ito ng GGives Terms na in-accept mo. Ginagawa ito para makatulong sayo na makaiwas sa extra fees.
Kung may auto-deduction kahit nakapagbayad ka na, posible na hindi pa na-process on time ang una mong payment. Kapag nangyari ito, huwag mag-alala—mare-reverse ang excess auto-payment within 1 business day.
I-check ang GCash wallet mo. Kung wala pa ring auto-reversal after 1 business day, puwede kang mag-contact ng support sa GCash app:
- I-tap ang Transactions.
- Piliin ang “GGives Auto-payment” transaction mo.
- I-tap ang Get Help > “I was charged more than once”
Iche-check ng team ang request mo at bibigyan ka nila ng update. Kailangan munang ma-confirm na excess payment ang transaction bago ito ma-approve.
I accidentally paid twice or more than the amount due
Kung dalawang manual payments ang nagawa mo, maa-apply ang sobrang amount sa next installment mo. Hindi na ito pwedeng i-refund.