Paano makakuha ng GLoan interest cashback
Pwede kang makakuha ng interest cashback kung babayaran mo nang BUO ang iyong GLoan habang may natitira pa na at least 2 future monthly payments. Pwedeng mag-reflect ang cashback sa loob ng 24 oras matapos ma-post ang iyong bayad.
Paano gumagana ang interest cashback
Para lamang sa mga susunod na buwan na hindi pa nabi-bill ang cashback. Hindi na mare-refund ang interes mula sa mga nakaraang buwan.
Para makatanggap ng cashback, bayaran nang buo ang loan habang may natitira pa na at least two (2) future billing cycles. Kung babayaran mo ang loan na may 1 month na lang ang natitira, o sa mismong buwan ng iyong final due date, WALA kang makukuhang cashback.
Halimbawa
Kumuha ka ng 5-month loan noong June 8, 2025. Final due date: November 8, 2025.
- Monthly due date: July 8, 2025
- Paid in full: July 10, 2025
- Cashback months: September–November (3 months)
- Bakit? Dahil nagbayad ka matapos ang July 8, nagsimula na ang billing period para sa August. May natitira ka pang 3 buwan na hindi pa nabi-bill (Sept, Oct, Nov), kaya qualified ka para sa 3 buwang cashback.
- Monthly due date: July 8, 2025
- Paid in full: July 7, 2025
- Cashback months: August–November (4 months)
- Bakit? Dahil nagbayad ka bago ang July 8, hindi pa nagsisimula ang period para sa August. May natitira ka pang 4 na buwan na hindi pa nabi-bill, kaya qualified ka para sa 4 na buwang cashback.
- Monthly due date: October 8, 2025
- Paid in full: October 10, 2025
- Cashback months: None
- Bakit? 1 buwan na lamang ang natitira (November). Kailangan mo ng at least 2 future payments left para mag-qualify sa cashback.
- Final due date: November 8, 2025
- Paid in full: November 5, 2025
- Cashback months: None
- Bakit? Nagbayad ka sa mismong huling buwan mo na, kaya 0 na ang natitirang buwan. Hindi ito qualified sa cashback.
Saan ko makikita ang aking cashback?
Makakatanggap ka ng automated push notification sa iyong device kapag na-credit na ang cashback (paalala: walang matatanggap na SMS).
Para i-check ito nang manual, siguraduhing binayaran mo nang buo ang iyong GLoan habang may natitira pa na at least 2 future monthly payments, tapos:
- Buksan ang GCash app at i-tap ang Transactions.
-
Hanapin ang GLoan Cashback o Amount Adjustment.
-
I-tap ito para makita ang iyong Loan Account ID at reference number.
- Pwede ka ring mag-request ng transaction history sa pamamagitan ng email (maaaring may 2-3 araw na delay).
Hindi natanggap ang cashback?
Kung wala kang natanggap na push notification o hindi mo makita ang transaction, i-check ang iyong App Inbox.
Kung hindi pa rin nagre-reflect ang cashback 24 oras matapos ma-post ang iyong bayad, mag-submit ng ticket sa GCash app:
Pumunta sa Transactions.
Piliin ang iyong full GLoan payment.
I-tap ang Get Help > “This payment didn’t reflect in my GLoan account”.
Piliin ang “I haven’t received my cashback in GGives or GLoan”.