Paano mag-apply para sa GSave Overseas Account?
Ang GSave Overseas (o GSave by CIMB) ay isang savings account mula sa GCash at CIMB Bank Philippines na ginawa para sa mga kababayang nagtatrabaho abroad. Madali itong paraan para sa mga Overseas Filipinos na mag-ipon habang nasa ibang bansa.
Ano ang mga requirements para sa GSave Overseas?
Qualified kang mag-open ng GSave Overseas CIMB account kung ikaw ay:
- Isang Overseas Filipino Citizen na may GCash accepted government PH-issued ID
- Nakatira sa ibang bansa kung saan available ang GCash
- At least 18 years old na may valid international number
- Fully Verified GCash user
Sundin ang mga steps below para mag-apply sa GSave Overseas account:
- Sa GCash app mo, itap ang GSave
- Itap ang Let's Go para magpatuloy sa iyong application
- Piliin ang Okay para i-share ang iyong impormasyon sa CIMB
- Sundin ang lahat ng steps para makumpleto ang iyong GSave Overseas application
Mapupunta ka sa isang page na magko-confirm na na-open mo na ang iyong GSave Overseas account nang successful.