Paano mag-apply sa GFunds?
Ang GFunds ay isang investment product kung saan ang users ay pwedeng mag-invest sa mga trusted companies nang LIBRE gamit ang GCash app.
Sino ang mga qualified gumamit ng GFunds
Qualified kang gumamit ng GFunds kung ikaw ay:
- At least 18 years old
- Isang Fully Verified GCash user
Paalala: Hindi pwedeng gumamit ng payroll account para makapag bukas ng GFunds account.
Ang mga citizens ng United States of America at dual citizens ay hindi puwedeng mag-invest sa global funds na available sa GFunds. Nasa ibaba ang kompletong listahan ng mga products na restricted sila
- ATRAM Philippine Sustainable Development And Growth Fund
- ATRAM Global Consumer Trends Feeder Fund
- ATRAM Global Technology Feeder Fund
- ATRAM Global Infra Equity Feeder Fund
- ATRAM Global Health Care Feeder Fund
- ATRAM Global Equity Opportunity Feeder Fund
- ALFM Global Multi-Asset Income Fund
- Philippine Stock Index Fund
- Manulife Global Preferred Income Feeder Fund
- Manulife Global REIT Feeder Fund
- Manulife APAC REIT Fund of Funds
- Manulife Asia Dynamic Bond Feeder Fund
Sundan ang steps sa ibaba para simulan gamitin ang GFunds:
- Sa GCash app mo, i-tap ang GInvest > GFunds
- Ilagay ang email address at i-tap ang Proceed
- Sagutan ang Risk Profile Questionnaire > Next
- I-confirm na HINDI ka isang US citizen > Next
- I-review ang details at mga sagot. I-check ang box para pumayag sa Terms and Conditions at i-tap ang Next
Makikita ang risk profile at makakatanggap ka ng email at SMS notification kapag na-approve na ang GFunds registration.
Ang approval ay pwedeng tumagal ng 15 minuto o hanggang 2 business days kung may system issues ang aming partner provider.
Paalala: Kapag nagbukas ka ng GFunds account, tataas ang GCash wallet at transaction limits sa PHP500,000.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: