Paano gamitin at i-activate ang Tap to Pay
Sa Tap to Pay pwede na magbayad sa mga tindahan (hindi sa ATM o online) nang hindi nagsa-scan o nag-i-swipe. Pwede mo itong gamitin sa GCash app, o mag-tap kahit hindi buksan ang app at walang internet connection—no extra fees!
Requirements to use Tap to Pay
Tap to Pay is being rolled out to GCash users. Kapag available na ito sa iyo, kailangan mo ng:
- Android o Huawei phone. Available lang ang Tap to Pay sa mga device na ito.
- NFC-enabled na phone. Tingnan ang list of NFC phones.
- Fully Verified na GCash account.
Paano i-activate ang Tap to Pay
- Buksan ang GCash app at mag-log in.
- I-tap ang View All.
-
Sa ilalim ng Pay, i-tap ang Tap to Pay.
- Basahin at sumang-ayon sa Terms and Conditions.
-
I-tap ang Proceed para i-activate ang Tap to Pay.
Paano magbayad gamit ang Tap to Pay
May dalawang paraan para magbayad:
- Buksan ang GCash app at mag-log in.
-
Ilapit ang likod ng iyong phone sa payment terminal.
-
Hintayin ang Tap Confirm message.
- Makikita mo ang payment confirmation screen. Pwede mo ring tingnan ang iyong Transaction History o ang resibo mula sa payment terminal.
Pwede kang mag-tap gamit ang iyong phone nang hindi binubuksan ang GCash app o gumagamit ng internet connection.
- Ilapit ang likod ng iyong phone sa payment terminal.
-
I-confirm ang payment gamit ang iyong fingerprint o ibang biometric method.
-
Makikita mo ang Tap Confirmed kapag successful ang biometric check.
Kung gusto mong tingnan ang iyong resibo o payment confirmation, mag-log in sa GCash app at tingnan ang iyong Transaction History. Pwede mo ring tingnan ang resibo mula sa payment terminal.
Kung makita mo ang prompt na “Tap to Pay is currently unavailable,” buksan ang GCash app, mag-log in, at tingnan ang iyong balance bago i-try muli.