Sa Tap to Pay, kailangan lang mag-log in sa GCash app at mag-tap ng phone sa payment terminal para magbayad.
Para gamitin ang Tap to Paybilang payment method, sundan ang mga steps na ito:
I-check kung supported ng phone ang Tap to Pay
Sa ngayon, available lang ang GCash Tap to Pay sa Android (Hindi pa supported ang Huawei at iOS devices). Siguraduhin na NFC-supported ang phone mo, ito ang technology na nagpapagana ng Tap to Pay Pwede mo i-check ang list dito para makita kung may NFC ang phone mo.
Para sa ibang devices, kailangan mo munang i-on ang NFC sa Settings ng phone mo.
I-check kung available ang Tap to Pay sayo
Select Fully Verified users lang ang pwede gumamit ng feature na ito. Para i-check kung napili ka, pindutin ang “View All Services” sa GCash homepage at hanapin ang “Tap to Pay” under Pay.
Kung hindi mo nakikita ang icon na ito, posibleng hindi ka pa napipili. Wag mag-alala dahil unti-unti kaming nagdadagdag ng users. Pwedeng mag-check ulit sa GCash app para sa mga updates.
Paano i-activate ang Tap to Pay
- Mag-log in sa GCash app at pindutin ang View All Services
- Piliin ang Tap to Pay
- Mag-agree sa Terms and Conditions

Mapupunta ka sa page para i-confirm ang activation ng GCash Tap to Pay
Saan pwedeng gamitin ang Tap to Pay
Pwede mong gamitin ang Tap to Pay sa in-store retail transactions on Mastercard and partner POS terminals. Hindi pa ito available sa transit, ATM, o e-commerce transactions.
Magbayad gamit ang Tap to Pay
- Mag-log in sa GCash app at pindutin ang View All Services
- Piliin ang Tap to Pay
- Hawakan ang phone sa may terminal. Makakarinig ka ng beep o makakakita ng green light kapag natanggap na ang payment.

Makakatanggap ka ng app inbox message at push notification, at mapupunta ka sa page para i-confirm ang successful na transaction.
Need more help?