Ano ang Sharetreats sa GLife?
Ang Sharetreats ay isang voucher marketplace sa loob ng GCash kung saan pwede mong ipadala ang mga treats sa mga kaibigan at mahal sa buhay nang madali. Pwede mong ma-access ang Sharetreats sa GLife para makabili at makapag-share ng iba't ibang klase ng vouchers.
Eligibility para makagamit ng Sharetreats
Para magamit ang Sharetreats, kailangan ikaw ay Fully Verified GCash user
Paano Bumili ng Sharetreats Vouchers sa GLife
Siguraduhin na tama lahat ng details bago tapusin ang purchase, dahil hindi na pwedeng i-cancel ang transaction kapag na-process na.
- Sa GCash homepage, i-tap ang GLife at hanapin ang Sharetreats
- Mag-browse ng mga available na brands at piliin ang voucher na gusto mong bilhin
- Ilagay ang details ng recipient (siguraduhin na nasa Pilipinas sila)
- Pindutin ang Pay with GCash at i-review ang payment amount at details
Kapag na-process na ang transaction mo, makakatanggap ng voucher ang recipient sa loob ng 3–5 minuto.
Paano makita ang Sharetreats Vouchers
- Sa GCash homepage, i-tap ang GLife at hanapin ang Sharetreats
- Sa Sharetreats homepage, pindutin ang Home
- Piliin ang Treats Sent para makita ang mga vouchers na na-share mo
Makakatanggap ang recipients ng mga sumusunod via SMS at email:
- Instructions kung paano i-redeem ang voucher
- Ang unique voucher code na ibibigay sa shop o store
- Mga terms and conditions ng Sharetreats
Anong dapat gawin kung hindi natanggap ang vouchers
Kung hindi natanggap ng recipient ang voucher, sundan ang mga steps na ito:
- Sa Sharetreats homepage, pindutin ang Home
- Piliin ang Treats Sent
- Pindutin ang SMS/Email resend para i-resend ang voucher
Kung hindi pa rin natanggap ng recipient ang voucher sa loob ng 3-5 minuto, direktang i-contact ang Sharetreats customer service.
Paano i-contact ang Sharetreats
Para sa karagdagang tulong, pwede mong i-contact ang Sharetreats sa mga sumusunod na channels:
- Email: support@sharetreats.com
- Mobile Hotline: 0917-712-4921
- Landline Hotline: +632-8994-0446
- Facebook: @ShareTreatsPH
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: