Paano mag-send ng crypto na higit sa PHP 50,000 sa ibang wallet o exchange gamit ang GCrypto?
Maaari kang magpadala ng higit sa PHP 50,000 na crypto gamit ang GCrypto. Ang iyong daily sending limit ay katumbas ng PHP 1,000,000 (peso value) sa loob ng 24 oras.
Paalala:
Bago magpadala o tumanggap ng crypto, siguraduhing tama ang mga sumusunod:
- Blockchain network
- Destination tag (kung kinakailangan)
- Wallet address
Ang mga nakumpletong GCrypto transaction ay hindi na mababawi o mare-refund. Para sa mas madali at mas mabilis na transaction, maaari mong i-scan ang address ng tatanggap gamit ang kanilang QR code.
Sundin ang mga hakbang sa ibaba:
- Sa iyong GCrypto homepage, i-tap ang crypto na gusto mong ipadala.
- I-tap ang Send.
- Ilagay ang amount, wallet o exchange address ng tatanggap, at ang destination tag (kung kinakailangan).
- Maaari mo ring i-scan ang QR code ng address ng tatanggap.
- Piliin kung magpapadala ka sa isang Exchange wallet o Wallet (non-exchange).
- Kung Wallet ang pinili, i-tap ang Continue.
- Kung Exchange ang pinili, kumpletuhin ang kinakailangang detalye, pagkatapos ay i-tap ang Continue.
- I-review nang mabuti ang lahat ng detalye, pagkatapos ay i-tap ang Send.
- Ilagay ang One-Time PIN (OTP) na ipinadala ng PDAX sa iyong email, pagkatapos ay i-tap ang Submit Code.
Para makita ang status ng iyong padalang crypto, buksan ang iyong GCrypto Transaction History sa iyong dashboard.