Paano mag-send ng crypto na mas mababa sa PHP 50,000 sa ibang wallet o exchange gamit ang GCrypto?
Kapag nag-send ng crypto sa GCrypto, nalilipat ang digital currencies mula sa GCrypto wallet mo papunta sa ibang wallet o exchange. Ang daily crypto sending limit ay peso equivalent ng PHP 1,000,000 sa loob ng 24 oras.
Paalala:
Bago ka mag-send o mag-receive ng crypto, siguraduhing i-double check ang:
- Blockchain network
- Destination tag (kung kailangan)
- Wallet address
Kapag tapos na ang GCrypto transaction, hindi na ito pwedeng palitan o i-refund. Para mas mabilis mag-send, pwede mong i-scan ang QR code ng recipient.
Sundan ang mga steps sa ibaba:
- I-tap ang crypto na gusto mong i-send.
- I-tap ang Send.
-
Ilagay ang amount, wallet o exchange address ng recipient, at ang destination tag (kung kailangan), o i-scan ang kanilang QR code.
- I-check ang mga detalye, kumpirmahin na hindi na puwedeng baliktarin ang transaction, tapos i-tap ang Send.
- lagay ang One-Time PIN (OTP) mula sa PDAX na ipinadala sa email mo, tapos i-tap ang Submit Code.
Para makita ang status ng iyong send, buksan ang GCrypto Transaction History sa iyong dashboard.