Pwede ba akong mag-apply para sa GCredit?
Ang GCredit ay pre-qualified credit limit sa GCash app para sa mga select users, kung saan pwedeng bumili at magbayad kahit zero ang GCash wallet balance. Ang GCredit offer ay dumadaan sa evaluation at hindi guaranteed.
Paano magiging qualified para sa GCredit
Pwede kang mag-qualify sa GCredit kung ikaw ay:
- 21-65 years old
- A Filipino Citizen
- A Fully Verified GCash user
- Gumagamit ng GCash services
Paalala:
Hindi available ang GLoan, GGives, at GCredit para sa GCash Overseas users na may international number. Para lang muna sa mga gumagamit ng Philippine mobile number ang mga lending products na ito.
Paano malaman kung qualified ka para sa GCredit
Sa GCash homepage, pindutin ang Borrow > GCredit. Kung ikaw ay eligible, makikita mo ang credit limit na available sa iyo. Kung hindi ka pa qualified para sa GCredit, makikita mo ang ilang mga tips para ma-unlock ito.
Kung hindi qualified para sa GCredit
Makikita mo ang screen na ito kapag pinindot mo ang Borrow > GCredit sa GCash homepage.
Para ma-unlock ang GCredit, gamitin lagi ang mga services katulad ng Pay Bills, Buy Load, Cash In, Send Money, GInsure, at GInvest. Kada linggo ang evaluation na ginagawa ng GCash, kaya posible kang mag-qualify sa GCredit sa susunod na linggo.
Paalala: Kapag naging qualified ka para sa GCredit, makakatanggap ka ng SMS mula sa GCash.
Kung eligible ka para sa GCredit
Kung eligible ka para sa GCredit, makakatanggap ka ng SMS. Kapag pinindot mo ang Borrow > GCredit sa GCash homepage, makikita mo ang screen na ito:
Sundan ang mga steps na ito para simulan ang paggamit ng GCredit:
- Sa GCash app, i-tap ang Borrow > GCredit
- I-confirm ang iyong email address > i-tap ang Next
- Tignan ang personal information mo at kumpletuhin ang lahat ng additional details
- Pindutin ang Next
- I-review ang application > i-tap ang Submit
Mapupunta ka sa page para i-confirm na activated na ang GCredit mo.
Kapag natapos mo ang application, makakatanggap ka ng confirmation sa SMS at sa registered GCash email mo.
Kung may tanong o concerns tungkol sa eligibility, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: