Magkano ang pwedeng hiramin sa GCredit
Sa GCredit, pwede kang ma-approve ng up to PHP 50,000 na magagamit mo pang-bayad sa payments at bills kapag kulang ang GCash balance mo. Ang interest ay nag-iiba at nag-uumpisa isang araw after ng purchase mo.
Ito ang ilan sa dapat malaman tungkol sa GCredit:
- Walang processing fees
- Walang ibang requirements (maliban na lang kung may hingin ang CIMB)
- May interest upon repayment
- Powered by CIMB Bank
Paalala:
Pwede mong gamitin ang iyong credit line basta’t on time ang mga payments mo.