Paano mag-verify ng GCash Overseas account
Pagkatapos gumawa ng iyong GCash Overseas account, i-verify ito para magamit ang mga services ng GCash.
Mag-verify gamit ang Philippine ID
- Buksan ang GCash app.
- Ilagay ang iyong mobile number at MPIN.
- I-tap ang Get Started, pagkatapos ay basahin ang mga paalala.
- Ilagay ang kinakailangang impormasyon, pagkatapos ay i-tap ang Next.
- Pumili ng isang valid na Philippine government-issued ID:
- National ID (card, papel, o digital)
- Passport
- HDMF (Pag-IBIG Loyalty Plus)
- Driver’s License o BLTO Driver’s License
- Philippine Postal ID
- PRC ID
- UMID
- SSS ID
- Kumuha ng malinaw na larawan ng iyong original na ID, pagkatapos ay i-tap ang Submit.
- I-tap ang Next at kumpletuhin ang selfie scan.
- Ilagay ang kinakailangang impormasyon, pagkatapos ay i-tap ang Next.
- I-review ang iyong impormasyon, pagkatapos ay i-tap ang Submit.
- Maghintay ng SMS tungkol sa status ng iyong application.
Mag-verify gamit ang foreign ID
Maaari ka ring mag-submit ng isa sa mga sumusunod na valid na foreign government-issued ID:
- Emirates ID (UAE)
- Iqama (Saudi Arabia)
- Kuwait Civil ID Card (Kuwait)
- State of Qatar Residency Permit (Qatar)
- USA Passport
- UK Passport
- Permanent Resident Card (Canada)
- Electronic Identity Card (Italy CIE)
- Permesso di Soggiorno (Italy Residence Permit Card)
Tips sa pag-submit ng iyong foreign ID
- Mag-submit ng malinaw at readable photo ng iyong original at valid na ID.
- Siguraduhin na nakalagay sa iyong ID ang buong pangalan, nationality, at birthdate mo.
- Siguraduhin na match ang larawan sa iyong ID sa iyong selfie.
- Ilagay ang iyong personal na impormasyon nang eksakto kung paano ito nakalagay sa iyong ID.
Pagkatapos mong mag-submit ng iyong foreign ID, maghintay ng email na may instructions kung paano mag-submit ng iba pang documents. Maaaring kabilang dito ang:
- PSA Philippine Birth Certificate
- PSA Philippine Marriage Certificate
- Luma o mga lumang Philippine passport
- Certificate of Filipino Citizenship (Reacquisition/Retention) na issued ng DFA o Bureau of Immigration
- Non-original copy o photocopy ng valid na Philippine passport
- Voter’s ID o voter’s affidavit
- Luma o expired na Philippine IDs na nagpapakita ng iyong Philippine nationality, tulad ng Philippine Postal ID o Philippine Driver’s License
Paano mag-request ng PSA documents
Para mag-request ng PSA documents, visit PSAHelpline GCash Overseas page.
Maaari kang magbayad gamit ang GCash o credit card. Pagkatapos magbayad, i-verify ang iyong identity gamit ang iyong foreign passport o ID.
Pagkatapos ma-verify ang iyong identity, maaari mong tingnan ang iyong digital document sa E-Cert Portal. Kung kailangan mo ng printed copy, piliin ang gusto mong courier at bayaran ang delivery fee. Pagkatapos, i-tap ang Schedule Pickup para i-upload ang waybill.