Paano gumawa ng GCash Overseas account
Sa GCash Overseas, pwedeng mag-sign up ang mga Pilipino na nasa abroad gamit ang non-PH SIM para magamit ang GCash.
Pwedeng mag-sign up kung:
- Filipino citizen ka at 18 years old pataas
- May valid PH government ID ka
- Nasa bansa ka na covered ng GCash Overseas
- May valid international number ka
Para mag-register sa GCash Overseas:
- I-download muna ang GCash app sa Play Store o App Store.
- Pag na-download na, i-open ang app, tapos piliin ang country ng SIM number mo.
- I-type ang mobile number mo, tap Next.
- I-type ang 6-digit OTP, tap Submit.
- Ang OTP ay manggagaling sa “GCash.” Para sa Singapore users, manggagaling naman ito sa “NXSMS”.
- I-fill out ang personal details mo, tap Next.
- Gumawa at i-set ang MPIN mo, tap Submit.
- I-review ang info mo, tap Confirm.
- Maghintay ng SMS tungkol sa registration status mo.