Paano mag register sa GCash Overseas?
Ang GCash Overseas ay para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa at gustong mag-register gamit ang international SIM card para magkaroon ng access sa financial services sa Pilipinas.
Eligible kang mag-create ng GCash Overseas account kung ikaw ay:
- Isang Filipino citizen na 18 years old o pataas
- May valid Philippine government-issued ID
- Nakatira sa abroad kung saan available ang GCash Overseas
- May valid international mobile number
Ganito mag-register para sa GCash Overseas:
- I-download ang GCash App sa Playstore/App Store.
- Buksan ang GCash app, piliin ang bansa ng SIM card mo, at i-input ang mobile number. Pindutin ang Next.
- I-enter ang 6-digit OTP na ipinadala sa mobile number mo. Pindutin ang Submit. Tandaan: OTPs na ipinadala ay galing sa "GCash", maliban na lang kung Singapore number, na manggagaling sa "NXSMS".
- I-input lahat ng kailangan na impormasyon at piliin ang Next.
- I-set ang MPIN at pindutin ang Submit.
- I-review ang iyong impormasyon at pindutin ang Confirm.
- Mapupunta ka sa page na maghahanda para ma-Fully Verified ang iyong GCash Overseas account.
- Makakatanggap ka ng SMS tungkol sa status ng iyong application.
Pagkatapos mag-register, ipa-Fully Verify ang account para magsimulang gamitin ang GCash Overseas.