GCash Card FAQS
May tanong ka ba tungkol sa GCash Card? I-check ang FAQs sa baba:
Application
Fully Verified GCash at GCash Jr. account owners lang ang pwedeng mag-avail at mag-order ng GCash Card. Para sa more info, bisitahin ang Order a GCash Card.
Ang GCash Visa Card ay prepaid card na naka-link sa GCash account mo. Pwede mo itong gamitin pambayad sa stores o online, kahit saan na tumatanggap ng Visa, pati na rin sa ibang bansa. Pwede ka ring mag-withdraw ng cash sa kahit anong Visa o Bancnet ATM. Enjoy cashless payments, good foreign exchange rates, at exclusive Visa promos.
Paalala: Hindi connected ang GCash Visa Card sa GGives o GCredit.
Ang GCash Klook Travel Card ay bagong co-branded card na pinagsama ang features ng GCash VISA card, PLUS may perks at benefits pa from Klook! Basahin ang tungkol sa bagong card dito.
Pwede kang mag-order ng bagong card kung ikaw ay:
- Fully verified GCash user
- Registered Klook user
- Wala pang GCash Visa Card
Ang GCash Klook Travel Card ay available lang para sa first 10,000 NEW card availers.
Isa (1) lang na GCash Card per account ang pwede mong i-avail.
Delivery
Ang card mo ay ide-deliver within 10-13 days. Makakatanggap ka ng delivery updates via SMS.
Activation
- Sa GCash app, piliin ang Cards.
- I-tap ang Link my Card.
- I-input ang last 4 digits ng card mo.
- I-enter ang Virtual Account Number (VAN). Note: Makikita mo ang VAN sa likod ng card mo. Pinoprotektahan ka nito sa unauthorized transactions.
- Mag-set ng numerical 6-digit card PIN. Tandaan: Ang 6-digit Card PIN ay HINDI pareho sa 4-digit GCash MPIN mo. Laging itago ang Card PIN at MPIN mo.
Oo. Pag na-activate na, pwede mo nang gamitin agad ang card mo for in-store shopping at ATM withdrawals. Hintayin lang ng 6 hours bago gamitin for online shopping.
Usage
Pwede mong gamitin ang card mo kahit saan na tumatanggap ng Visa. Pwede kang mag-withdraw, tap and pay sa mahigit 200 countries worldwide!
Basahin ang article na ito para malaman ang transaction limits at fees na related sa GCash Card.
Paalala: Ang GCash Card mo ay naka-link sa wallet balance mo. Siguraduhing may sapat kang funds sa GCash wallet mo.
Depende sa merchant, pwede kang hingan ng 6-digit card PIN para makumpleto ang transaction gamit ang GCash card mo.
Note: Magkaiba ang 6-digit PIN sa 4-digit GCash MPIN na gamit mo sa pag-login sa GCash account.
Oo, kailangan mong i-enter ang 6-digit PIN mo para sa ATM withdrawals. Pwede mag-appear na PHP 0.00 ang available balance sa printed receipt. I-check ang wallet balance mo sa GCash app.
PayWave gamit ang GCash Card ay depende sa merchant partner.
Security
Kung nawala o nanakaw ang GCash card mo, basahin ang article na ito para malaman paano mag-file ng report.
Basahin ang article na ito para malaman paano i-report ang unauthorized transaction items (unexpected charges, unauthorized money transfers, atbp.) sa GCash transaction history mo.
Expiry
Oo, makikita mo ang expiry date ng GCash Card mo sa likod ng card.
Pwede mo pa ring gamitin ang current GCash Mastercard mo hanggang sa expiry date nito. Pag expired na, pwede ka nang mag-apply ng bagong GCash Visa Card.