Scam Protection
Ang Scam Protection ay isang personal na cyber insurance product na nagpoprotekta sa pera mo laban sa mga scam at transaksyong hindi mo ginawa kung na-hack ang GCash account mo, nalinlang kang magpadala ng pera sa nagpapanggap na ibang tao, o bumili ka sa pekeng seller.
Mahalagang Paalala:
NO COVERAGE FOR TRANSFERS TO THE WRONG ACCOUNT OR FOR ANY SCAMS WHERE YOU ARE PROMISED A JOB, OR SIGNIFICANT AMOUNT OF MONEY IN RETURN FOR AN UP-FRONT PAYMENT (INCLUDING INVESTMENTS, LOANS OR TASK SCAMS) BUT RECEIVE NOTHING.
Ang Scam Protection Group Policy ay underwritten ng insurance partner namin na Insurance Company of North America (a Chubb Company). Sa ibaba, tatawagin ito bilang “Chubb”.
Jump to:
- Coverage
- Exclusion from Coverage
- Eligibility to Enroll in Scam Protection
- Payment for Scam Protection
- Claims
- Contact Chubb
Coverage of Scam Protection
Paalala: Ang Scam Protection ay hindi dagdag na bayad o refund feature sa Express Send transfers sa GCash. Ang anumang refund para sa transaksyon sa merchant o seller ay nakadepende sa napagkasunduan ng customer at merchant/seller.
One-Time Payment
Para sa isang beses na bayad na PHP 30, protektado ang mga transaksyon mo laban sa iba't ibang uri ng scam na covered ng Scam Protection.
Coverage: Makakatanggap ka ng insurance coverage na hanggang PHP 15,000 para sa mga scam at transaksyong hindi mo ginawa kung na-hack ang GCash account mo, nalinlang kang magpadala ng pera sa nagpapanggap na ibang tao, o bumili ka sa pekeng seller.
Validity: Effective ang proteksyon sa loob ng 30 araw mula sa date of purchase.
Monthly Renewal
For PHP 20 per month, patuloy at walang putol mong mapoprotektahan ang sarili mo laban sa iba't ibang uri ng scam na saklaw ng Scam Protection.
Coverage: Makakatanggap ka ng insurance coverage na hanggang PHP 15,000 bawat buwan. Para manatiling aktibo ang coverage mo, siguraduhing may sapat na balance ang account mo bawat 30 araw para magpatuloy ang proteksyon laban sa mga scam.
Opt-out / Non-Renewal: Maaari kang mag-opt out sa monthly renewal anumang oras sa pamamagitan ng pagpunta sa GInsure > My GInsure sa GCash app.
Paalala: Ang monthly renewal plan na ito ay subject to the Terms and Conditions ng Group Policy. Ang pagbabayad ng monthly premium ay itinuturing na pagsang-ayon mo sa pag-renew ng insurance.
Kapag na-approve ang claim mo, ibabalik ng insurance partner naming si Chubb ang halagang nalinlang kang ipadala mula sa GCash wallet mo o ang halaga ng mga eligible unauthorized transactions (hanggang sa maximum na benefit amount). Ang pagsusuri at approval ng claim ng Chubb ay nakadepende sa pagsu-submit ng mga kailangang impormasyon at dokumento.
May coverage kapag naging biktima ka ng mga sumusunod na types ng faud:
Social Engineering
Nangyayari ito kapag nagbukas ka ng mensahe mula sa mga pekeng entity at/o tao at nalinlang kang magpadala ng pera sa kanila gamit ang GCash account mo, sa pamamagitan man ng Send Money, Bank Transfer, o iba pang kwalipikadong channel.
Kabilang sa mga halimbawa ng Social Engineering ang phishing, malware phishing, spear phishing, smishing, vishing, at pharming, pero hindi limitado sa mga ito.
Ilang Halimbawa:
Nakumbinsi kang magpadala ng pera mula sa GCash account mo sa isang lehitimong contact nang hindi mo alam na na-hack ang account niya.
Nalinlang kang gumawa ng bank transfer mula sa GCash account mo sa scammer na nagpapanggap na isang kilalang charitable organization.
Nalinlang kang ibahagi ang OTP mo sa taong nagpapanggap na GCash representative. Ginamit niya ang GCash account mo para sa online shopping na hindi mo ginawa gamit ang Web Pay.
Account Take Over
Ito ay isang pag-atake kung saan nakakakuha ang ibang tao ng unauthorized access sa GCash account mo at gumagawa ng mga transaksyong hindi mo ginawa. Karaniwang nangyayari ang Account Takeover Fraud dahil sa phishing, spyware, malware, o iba pang katulad na scam.
Ilang halimbawa:
Nagbigay ka ng personal na impormasyon, gaya ng password mo, sa taong nagpapanggap na kakilala o entity. Pagkatapos, na-access niya ang GCash account mo at gumawa ng Send Money transaction na hindi mo ginawa.
Nakatanggap ka ng email na may pekeng link. Matapos mong i-click ang link, na-install ang malware sa device mo. Na-access ng hacker ang GCash account mo at gumawa ng sunod-sunod na bank transfer na hindi mo ginawa hanggang maubos ang pera mo.
Nag-download ka ng pekeng app na may malware at nakuha nito ang login details mo. Dahil dito, na-access ng hacker ang GCash account mo at ginamit ang pera mo sa mga online purchase at bill payment gamit ang Web Pay na hindi mo ginawa.
Online Shopping Fraud
Ito ay nangyayari kapag nagbayad ka gamit ang GCash account mo para sa item o serbisyong binili online, sa pamamagitan man ng Send Money, Bank Transfer, o iba pang eligible channel, pero lumabas na peke o mapanlinlang ang website, platform, o taong pinagbilhan mo.
Ilang halimbawa:
Nagpadala ka ng pera para bumili ng item sa online marketplace, pero hindi mo natanggap ang item o serbisyong napagkasunduan. Pagkatapos, hindi na makontak ang seller.
Bumisita ka sa isang online site at nag-book ng resort para sa family get-together mo. Ikinonekta mo ang GCash account mo gamit ang GCash WebPay para makumpleto ang bayad. Pagdating mo roon, nalaman mong wala pala ang resort na na-book mo at peke ang listing.
Gumawa ka ng bank transfer para mag-book ng cleaning service mula sa isang online advertisement. Pero walang serbisyong ibinigay at peke ang lahat ng contact details sa advertisement.
Exclusions from Coverage
Mga hindi kasama sa coverage:
Anumang GCash transaction na ginawa mo kung saan hindi sinasadyang napadala mo ang pera sa maling account.
Anumang GCash transaction na ginawa sa isang potential employer o recruiter kaugnay ng isang job opportunity.
Anumang claim na may kaugnayan sa cryptocurrency, alahas, relo, precious metals, gemstones, antiques, o collectible items.
Anumang claim na may kaugnayan sa pagkawala ng trabaho, aksidente, pagkakasakit, o injury.
Anumang GCash transaction mula sa Business Account o anumang transaksyong may kaugnayan sa negosyo.
Anumang pagkawala na nagmula o may kaugnayan sa trabaho mo, gaya ng mga corporate-related transaction.
Anumang insidenteng nangyari bago magsimula o matapos ang insurance coverage mo.
Hindi covered ang mga transaksyong hindi mo ginawa na may kaugnayan sa GFunds, GStocks, GCrypto, at GBonds.
Additional exclusions under the following benefits:
| Benefit | Exclusions |
| Social Engineering |
|
| Account Takeover |
|
| Online Shopping Fraud |
|
Para sa kumpletong listahan ng mga hindi kasama sa policy, please refer to the Scam Protection Group Policy .
Eligibility to Enroll in Scam Protection
Maaari kang magkaroon ng Scam Protection kung ikaw ay:
18 taong gulang o mas matanda
Isang Filipino citizen o foreigner na legal na residente ng Pilipinas
Isang fully verified na GCash user
One-month cover
Ang coverage period ng Scam Protection ay effective sa loob ng 30 calendar days at valid para sa lahat ng scam na covered sa loob ng coverage period. Magsisimula ang insurance coverage sa araw na mag-enroll ka at magbayad ng PHP 30 premium gamit ang GCash. Kapag nag-expire ang policy mo pagkalipas ng 30 calendar days, maaari kang bumili ulit ng insurance.
Monthly renewal
Para sa monthly premium na PHP 20, covered ng Scam Protection ang lahat ng eligible na insidente sa loob ng policy period. Agad na magiging active ang coverage kapag nag-enroll ka at successful na nagbayad gamit ang GCash.
Paalala: Hindi ka maaaring mag-enroll sa Scam Protection para sa ibang tao. Dapat ang insured ay ang may-ari ng GCash account na successful na nakagawa ng Send Money transaction, nag-enroll sa Scam Protection, at nagbayad ng premium gamit ang sarili niyang GCash account.
Payment for Scam Protection
One-Time Payment
Sa halagang PHP 30, covered ka sa loob ng 30 calendar days. Magsisimula ang coverage sa araw na mag-enroll ka sa Scam Protection at matagumpay na magbayad ng premium.
Kung magbago ang isip mo, maaari mong kanselahin ang policy mo sa loob ng 7 araw mula nang mag-enroll ka sa Scam Protection. Ibabalik namin ang PHP 30 premium sa GCash account mo kung hindi ka pa nakakapag-file ng claim sa ilalim ng policy.
Para kanselahin ang policy mo, pumunta sa link na ito para mag-submit ng Help Center ticket. Kapag nakansela na, hindi na covered ng scam protection ang mga transaksyon mo.
Monthly Renewal
Sa halagang PHP 20 bawat buwan, makakakuha ka ng tuloy-tuloy na coverage sa loob ng 30 araw. Magsisimula ang coverage kapag nag-enroll ka sa Scam Protection at magre-renew bawat 30 araw kapag successful na nabayaran ang premium.
Kung magbago ang isip mo, maaari mong kanselahin ang policy mo anumang oras. Kung kakanselahin mo ito sa loob ng 7 araw mula nang mag-enroll ka sa Scam Protection, ibabalik namin ang PHP 20 premium sa GCash account mo kung hindi ka pa nakakapag-file ng claim sa ilalim ng policy.
During the Free-Look Period (first 7 days)
Para kanselahin, pumunta sa link na ito para mag-submit ng Help Center ticket.
Hihinto ang auto-deduction para sa mga susunod na buwan at hindi ka na mapoprotektahan laban sa mga scam.
Para magkaroon ulit ng proteksyon, maaari kang bumili ng Scam Protection sa susunod mong Express Send transaction.
Post Free-Look Period (from the 8th day onward)
Para kanselahin, pumunta sa GInsure > My GInsure, piliin ang Scam Protection plan mo, at i-toggle off ang Renews every 30 days para kumpirmahin.
Hihinto ang auto-deduction para sa mga susunod na buwan, pero mananatili ang buong coverage mo hanggang matapos ang kasalukuyan mong paid period.
Para magkaroon ulit ng proteksyon, maaari kang bumili ng Scam Protection sa susunod mong Express Send transaction.
Makakatanggap ka ng Confirmation of Cover mula sa insurance partner naming si Chubb sa loob ng 24 hanggang 48 oras matapos ang matagumpay na pag-enroll sa Scam Protection bilang bahagi ng GCash Express Send transaction mo.
Maaari mo ring tingnan ang My GInsure page sa GCash app para makita ang mga policy mo.
Piliin ang GInsure > My GInsure. Sa ilalim ng Active Policies, piliin ang Scam Protection policy mo at itala ang policy number.
Pumunta sa Chubb MyAccount at mag-log in gamit ang policy number mo at OTP na ipinadala sa SMS o email. I-click ang Download sa ilalim ng Policy Details para mag-download ng kopya ng Confirmation of Cover mo.
Claims
Dapat kang mag-file ng police report sa loob ng 24 oras mula nang matuklasan ang panloloko.
Dapat mong i-report sa GCash ang insidente sa loob ng 24 oras mula nang matuklasan ang panloloko para mapigilan ang iba pang mapanlinlang na aktibidad o ma-suspend ang account mo kung may Account Takeover Fraud. Click here to file a report .
Dapat kang gumawa ng makatuwirang paraan para mabawi ang pera.
Dapat mong itago ang mga dokumentong magpapatunay sa panloloko.
Kapag natupad mo na ang mga requirement sa itaas, maaari kang mag-file ng claim sa My GInsure tab ng GCash app mo. Piliin ang Scam Protection policy mo para mapunta sa My Policies. Piliin ang Submit a claim sa ilalim ng Quick Actions at sundin ang mga instruction hanggang makumpleto ang proseso.
Documents needed to file a claim for Scam Protection
Kopya ng orihinal na police report o police reference number
Statement na naglalarawan kung paano mo natuklasan ang panloloko o transaksyong hindi mo ginawa mula sa GCash account mo
-
Dokumentong nagpapatunay na ginawa ang Express Send Money transaction:
Screenshot ng GCash transaction receipt na may reference number
GCash transaction activity history sa app
Kopya ng anumang chat communication, SMS, call log, email, fraudulent website, o iba pang digital communication na naging dahilan ng pagpapadala o paghingi ng pera.
Kopya ng anumang chat communication, SMS, call log, email, fraudulent website, o iba pang digital communication na nagpapakita ng makatuwirang pagtatangkang mabawi ang pera mula sa third party.
Anumang additional supporting document na magpapatunay na biktima ka ng panloloko.
How to file a claim for Scam Protection
Ihanda ang Scam Protection Policy ID mo. Ipinapadala ito sa email na nakarehistro sa GCash mo sa loob ng 24 hanggang 48 oras matapos ang successful na pag-enroll.
Pumunta sa My GInsure tab sa GCash app mo at piliin ang Scam Protection policy mo. Kung naka-monthly renewal plan ka, i-click ang Make a Claim para mapunta sa My Policies page. Pagkatapos, piliin ang Submit a Claim. Hihingan ka ng Chubb Claims Assessor ng supporting documents at ipapagawa sa iyo ang mga kailangang hakbang para sa bawat benefit.
Matapos mong isumite ang kumpletong dokumento, makakatanggap ka dapat ng email sa loob ng 48 oras na may claim number, claim information, at PDF attachment(s) ng lahat ng impormasyong isinubmit mo. Kung hindi ka makakatanggap ng email sa loob ng 48 oras, makipag-ugnayan sa Chubb.
Maglaan ng 5 hanggang 7 working days para sa buong proseso ng claim, mula sa pag-file ng claim hanggang sa paglabas ng desisyon tungkol sa claim.
Kung kumpleto at approved ang claim mo, papadalhan ka ng settlement letter.
Matatanggap mo ang settlement sa pamamagitan ng bank transfer gamit ang bank details na ibinigay mo.
Cancellation of Policy
Maaari ko bang kanselahin ang aking policy?
Maaari mong kanselahin ang policy mo. Gayunpaman, lubos naming inirerekomendang panatilihin mo ang insurance coverage mo. Mas madalas na ngayon ang cyberattack, kaya makakatulong ang coverage para mas kampante ka sa seguridad ng GCash account mo.
One-Time Payment
Kung kakanselahin mo ang policy mo sa loob ng 7 araw mula nang mag-enroll ka sa Scam Protection, ibabalik namin ang PHP 30 premium sa GCash account mo kung hindi ka pa nakakapag-file ng claim sa ilalim ng policy.
Para kanselahin ang policy mo, pumunta sa link para mag-submit ng Help Center ticket. Kapag nakansela na, hindi na saklaw ng scam protection ang mga transaksyon mo.
Monthly Renewal
Kung kakanselahin mo ang policy mo sa loob ng 7 araw mula nang mag-enroll ka sa Scam Protection, ibabalik namin ang PHP 20 premium sa GCash account mo kung hindi ka pa nakakapag-file ng claim sa ilalim ng policy.
During the Free-Look Period (first 7 days)
Para kanselahin, pumunta sa link na ito para mag-submit ng Help Center ticket.
Hihinto ang auto-deduction para sa mga susunod na buwan at hindi ka na mapoprotektahan laban sa mga scam.
Para magkaroon ulit ng proteksyon, maaari kang bumili ng Scam Protection sa susunod mong Express Send transaction.
Post Free-Look Period (from the 8th day onward)
Para kanselahin, pumunta sa GInsure > My GInsure, piliin ang Scam Protection plan mo, at i-toggle off ang Renews every 30 days para kumpirmahin.
Hihinto ang auto-deduction para sa mga susunod na buwan, pero mananatili ang buong coverage mo hanggang matapos ang kasalukuyan mong paid period.
Para magkaroon ulit ng proteksyon, maaari kang bumili ng Scam Protection sa susunod mong Express Send transaction.
Contact Chubb
Kung may mga tanong ka tungkol sa policy mo, pag-file ng claim, o status ng mga na-file mong claim:
Maaari mong tawagan ang Chubb hotline sa +63277565410, Monday to Friday, 9:00am – 5:00pm, excluding public holidays.
- Email: gcashcustomerinquiries@chubb.com