Pioneer OFW Insurance
Ang OFW Insurance ay para sa Direct Hired o Balik Manggagawa na OFW. Nagbibigay ito ng financial security sakaling magkaroon ng aksidente, kapansanan, medical evacuation, repatriation of mortal remains, at iba pang hindi inaasahang pangyayari.
Jump to:
- Eligibility
- Coverage
- Benefits
- Bilhin ang Pioneer Balik Manggagawa Policy
- Claims and Cancellations
- Contact Pioneer Insurance
Eligibility
Pwede kang mag-avail ng produktong ito kung ikaw ay:
- OFW na edad 18-63 taong gulang
- Hindi sakop ng anumang Manpower o Manning Agency at may direct at valid employment contract at employer abroad.
- Sumailalim sa medical examination sa loob ng 3 buwan at hanggang kasalukuyan ay fit to work
Coverage
Sakop ka sa insurance kahit na nangyari ang aksidente habang ikaw ay nasa labas ng Pilipinas. Ang benepisyo ay makukuha sa Philippine pesos.
Kasama sa coverage ng insurance ang mga sumusunod:
Life and Accidents Benefits | Pagkamatay sanhi ng aksidente o anuman, permanenteng pagkaparalisa o pagkaputol ng bahagi ng katawan, at transportasyon ng mga labi pabalik ng Pilipinas |
Medical Transportation Benefits | Transportasyon sa paglipat ng medical facility, gastos pag-uwi ng Pilipinas kung kinakailangan, at plane ticket ng 1 bisita kung maospital ang OFW ng higit 7 araw |
Repatriation Benefits | Gastos sa pag-uwi ng Pilipinas kung hindi makatarungang natanggal o nagresign sa trabaho, allowance para sa paglilitis ng kaso abroad, at money claim kung nagsampa ng kaso sa NLRC dahil sa pananagutan ng employer |
Ang sumusunod ay HINDI kasama sa Pioneer Balik Manggagawa Policy
- Hospital o medical expenses abroad
- OFWs na edad 64 taong gulang o higit pa
- OFWs na under ng Manpower or Manning Agency at/o deployed sa:
- Afghanistan
- Burundi
- Chad
- Chechnya (Chechen) Republic
- Cuba
- Diego Garcia
- Hait,
- Iraq
- Libya,
- Madagascar
- Mali
- Mauritania
- Niger
- North Korea
- Palau
- Palestine
- Russia
- Rwanda
- Somalia
- South Sudan
- Sudan (except Khartoum and Kenana)
- Syria
- Ukraine
- Yemen
- Zimbabwe
Benefits
Life and Accident
Sanhi | Description | Benefit Amount |
Natural Death | Pagkamatay anuman ang sanhi maliban sa aksidente | USD 10,000 |
Accidental Death | Pagkamatay sanhi ng aksidente | USD 15,000 |
Permanent Total Disablement with Disability |
Disablement with Disability Aksidente o kapansanan kaugnay ng kalusugan na nagdulot ng kumpletong pagkabulag, pagkaputol o permanenteng pagkaraparalisa ng dalawang kamay o paa, o brain injury na nagresulta sa walang lunas na pagkabaliw |
USD 7,500 |
Repatriation of Mortal Remains | Transportasyon ng mga labi ng OFW pabalik sa Pilipinas | Actual Cost |
Medical Transportation Benefits
Paalala: Ayon sa pagpapasya ng consulting physician sa Pioneer Medical Team
Sanhi | Description | Benefit Amount |
Medical Evacuation | Kung walang ospital o medical facility na pwedeng tumugon sa pangangailangan ng OFW, ang Pioneer ang magbibigay ng transportasyon para mailipat ang OFW sa pinakamalapit na ospital o medical facility | Actual Cost |
Medical Repatriation | Kung kinakailangan, sasagutin ng Pioneer ang gastos kung ang OFW ay cleared na magbiyahe pabalik ng Pilipinas. May kasamang escort nurses o doctors kung kinakailangan. | Actual Cost |
Compassionate Visit | Kung ang OFW ay na-ospital ng 7 magkakasunod na araw, sasagutin ng Pioneer ang halaga ng tiket para sa 1 bisita | Actual Cost |
Repatriation at Iba Pa
Sanhi | Description | Benefit Amount |
Repatriation | Kung walang ospital o medical facility na pwedeng tumugon sa pangangailangan ng OFW, ang Pioneer ang magbibigay ng transportasyon para mailipat ang OFW sa pinakamalapit na ospital o medical facility |
Actual Cost (Economy Class Ticket) |
Subsistence Allowance | Kung kinakailangan, sasagutin ng Pioneer ang gastos kung ang OFW ay cleared na magbiyahe pabalik ng Pilipinas. May kasamang escort nurses o doctors kung kinakailangan. |
USD 100/month (Hindi lalampas ng 6 buwan) |
Money Claims | Kung ang OFW ay na-ospital ng 7 magkakasunod na araw, sasagutin ng Pioneer ang halaga ng tiket para sa 1 bisita | Katumbas ng 3 buwang sweldo kada taon ng unexpired portion ng employment contract. Ang maximum na halaga na pwedeng iclaim ay kung alin ang mas mababa sa USD 1,000 o ang nakasaad na buwanang sweldo ayon sa employment contract |
Bilhin ang Pioneer Balik Manggagawa Policy
Paalala: Isang plan lamang kada OFW ang pwedeng bilhin depende sa term of employment.
Sundin ang sumusunod na steps para makabili ng Pioneer Balik Manggagawa Policy:
- Buksan ang iyong GCash at pindutin ang GInsure
- I-select ang Balik-Manggagawa/Direct Hired OFW Insurance
- Basahin ang mga detalye ng policy at pindutin ang Next
- Tignan ang plan na gusto mo, at pindutin ang Select Plan
- Kumpletuhin ang mga detalye
- Bayaran ang plan gamit ang GCash
Ang iyong Policy Contract at iba pang mga Dokumento ng Patakaran ay ipinapadala sa loob 24 na oras sa email address ng may-ari ng Policy.
Claims and Cancellations
Claims
Paalala: Ang pagpoproseso ng mga claim ay magsisimula lamang kapag kumpleto ang mga requirements na nai-submit.
- Para mag-file ng claim, mag-submit ng complete OFW Claims form kasama ang mga kinakailangan na requirements via email sa migrantclaims@pioneer.com.ph
- Susuriin ng Pioneer ang kaso at gagawa ng claims record para sa pag-apruba sa loob ng 10 working days
- Magpapadala ang Pioneer ng letter of guarantee na magtitiyak sa client na kapag natanggap na ang pinirmahang Release of Claim, isasagawa ng Pioneer ang bank transfer
Cancellation
Hindi pwedeng i-cancel at i-refund ang policy kapag naibigay na ito sa POEA bilang requirement, maliban na lamang kung mayroong Notice Letter or Consent mula sa POEA.
Contact Pioneer Insurance
Para makipag-ugnayan sa Pioneer Insurance, pakitingnan ang kanilang mga available na channel sa ibaba:
- Email: applyofwinsurance@pioneer.com.ph
-
Mobile Numbers:
- (+63) 917 522 0397
- (+63) 917 832 1638