Bakit ako na-charge para sa Google Play Subscription sa GCash ko?
Regular na i-check ang subscriptions at purchases sa Google Play Store. Kung meron kang mga concerns, tignan ang mga sumusunod:
Para tignan kung may subscription sa Google Play Store, sundan ang mga steps na ito:
- Sa Android device, pumunta sa Google Play at i-tap ang account mo sa upper right
- Pindutin ang Payments and Subscriptions > Subscriptions
- Piliin ang subscription na gusto mong tignan o alamin.
Paano mag-cancel ang subscription payment
Paalala: Auto-renewed ang mga subscriptions na ginawa sa Google Play.
Para mag-cancel ng subscription, subukan ang mga options na ito:
- Mag-cancel via Google Play Store: Pumunta sa Cancel a Subscription on Google Play para mag-unsubscribe directly.
- Tanggalin ang GCash as a Payment Method: I-unlink o tanggalin ang GCash mula sa Google Play Store payment options.
Mag-reguest ng refund
Paalala: Ang refunds ay depende sa policies at terms and conditions ng Google Play at Developer ng app kung saan ka naka-subscribe.
Ito ang gagawin para mag-request ng refund:
- Google Play Store Website: Mag-request ng refund sa Google Play website.
- App Developer: I-contact ang developer para makausap ang developer ng Android app.
Mag-report ng potential fraudulent transactions
Kung may suspected fraudulent activity o unauthorized transactions, pwede kang:
- Mag-report ng Scam: Alamin kung paano mag-report ng scam transactions dito.
- Mag-report ng Unauthorized Transactions: Mag-submit ng report para sa unauthorized activity dito.
Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Kapag na-submit na ang report, hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: