Paano mag-link ng Payoneer sa GCash?
Siguraduhin na verified ang Payoneer account mo bago mo ito i-link sa GCash. Available lang ang service na ito sa mga Fully Verified GCash users. Kung hindi mo nagamit ang Payoneer mo sa pag-cash in nang lagpas isang buwan na, kailangan mo ulit i-link ito para sa security ng account mo.
Paano mag-link ng Payoneer account sa GCash:
- Sa GCash homepage, i-tap ang Profile
- Pindutin ang My Linked Accounts > Payoneer
- I-tap ang Link Account.
- Ilagay ang Payoneer login details
- Ilagay ang verification code na pinadala via SMS
- Hintayin ang confirmation text message para makumpleto ang linking process
Kapag successful ang pag-link mo, pwede ka nang mag-cash in gamit ang Payoneer para makapagdagdag ng funds sa GCash wallet.
Kung wala ka pang Payoneer account, pwede kang gumawa direkta sa GCash app. Tap below para alamin kung paano gumawa ng Payoneer account:
Sundan ang steps sa baba para makagawa ng Payoneer account:
- Sa GCash homepage, i-tap ang Profile
- Piliin ang My Linked Accounts > Payoneer
- Pindutin ang Create an Account
- I-tap ang Register with GCash para instant ang pag-fill out ng GCash information mo, o piliin ang Create an Account para manual ang paglagay mo ng details
- Ilagay lahat ng necessary information para makagawa ng account.
- Makakakita ka ng confirmation screen para i-inform ka na processing na ang application mo
Karamihan sa applications ay reviewed kaagad, pero ang iba ay posibleng umabot ng hanggang three (3) business days. Makakatanggap ka ng email galing sa Payoneer tungkol sa application status mo. Kapag approved ito, makakatanggap ka ng isa pang email with more details. Para sa iba pang information, pumunta sa website ng Payoneer.
Paalala:
Kapag nag-link at nag-cash in gamit ang Payoneer account, pwede kang mag-qualify sa pagtaas ng wallet at transaction limit sa GCash na hanggang PHP 500,000.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Ano ang mga GCash Cash In fees na dapat kong malaman?
- Paano mag-cash in sa GCash gamit ang Payoneer?
- Paano mag-cash in sa GCash mula online banking app o website?
- Hindi ko natanggap ang cash in ko sa GCash wallet. Anong dapat kong gawin?
- Nag-cash in ako sa maling GCash account. Anong dapat kong gawin?