Mynt (GCash) IPO Payments through GBills
Kung may tanong ka tungkol sa Mynt (GCash) IPO subscription payments na ginawa sa GBills, i-tap ang scenario sa ibaba na pinakaangkop sa concern mo para malaman kung ano ang dapat gawin:
Maghintay ng hanggang 3 business days para ma-process ang payment at lumabas ito sa PSE EASy investor account mo. I-check ang PSE EASy investor account mo para sa updates sa status ng payment at subscription mo.
Itago ang payment receipt at ang unique PSE EASy Reference Number para sa records mo. Dapat match ang payment receipt sa PSE EASy Reference Number na makikita sa PSE EASy investor account mo. Ang format ng PSE EASy Reference Number ay: GCASHXXXXXXXXXXXXXXX.
Kung ang application mo ay fully o partially rejected, o scaled down, papadalhan ka ng email ng Stock Transfer Service, Inc. (STSI), ang Receiving Agent, hindi lalampas ng October 13, 2026.
Kung applicable, ang refund ay ibibigay bilang check at walang interest. Pwedeng kunin ang refund check simula sa fifth banking day pagkatapos ng Offer Period, o sa October 19, 2026, sa office ng STSI: 34/F Rufino Pacific Tower, 6784 Ayala Avenue, Makati City.
Lahat ng refund ay ipo-process ng STSI at ibibigay lamang bilang check.
Para sa LSIs, ang refund ay direktang ibibigay sa LSI Applicants sa pamamagitan ng Receiving Agent, at nasa risk ng Applicant. Pwedeng kunin ang refund check sa office ng Receiving Agent sa 34/F Rufino Pacific Tower, 6784 Ayala Avenue, Makati City, simula sa fifth business day pagkatapos ng Offer Period, o sa October 19, 2026, na simula ng refund period.
Kung hindi makuha ang check sa loob ng 5 business days mula sa simula ng refund period, ipapadala ito sa registered address ng LSI Applicant at the LSI Applicant’s risk.
Para sa questions tungkol sa refund, mag-email sa STSI sa myntipo@stocktransfer.com.ph.
I-double-check ang lahat ng details bago i-complete ang transaction. Kung mali ang Reference Number o amount na nailagay mo, sundin ang mga steps sa ibaba:
- Maling account o reference number: Contact Stock Transfer Service, Inc. (STSI) at myntipo@stocktransfer.com.ph. Ire-review at ibe-verify ng STSI ang concern mo.
- Maling amount: Kung hindi match ang amount na inilagay sa GBills at ang amount sa PSE EASy portal, maaaring ma-reject ang transaction.Para sa refund, tingnan ang FAQ #2.
Need more help?
Para sa iba pang information tungkol sa Offer, visit Mynt’s website.
Para sa payment-related questions, contact STSI gamit ang details sa ibaba:
- Email: myntipo@stocktransfer.com.ph
- Subject: MYNT LSI IPO Subscription – Payment Questions
Note: Ang official communication channel lang ng STSI o Receiving Agent ay electronic communication o email.