Paano mag-Scan to Order sa GCash
Pwede mong gamitin Scan to Order para makita ang menu, umorder, at magbayad ng food gamit ang GCash. Available lang ito sa mga Fully Verified users.
Paano mag-order?
- Hanapin ang GCash QR code sa restaurant (pwedeng nasa table, counter, o pintuan).
- I-scan ang QR code gamit ang phone camera mo o sa GCash app.
- Tignan ang menu.
- Piliin ang gusto mong order, tapos i-add sa basket.
- Ilagay ang table number mo (kung dine-in) o piliin ang pickup.
- Pwede kang maglagay ng promo code o magbigay ng tip, kung meron.
- I-tap ang Pay.
Makakakuha ka ng updates sa order mo via push notifications o SMS mula sa Tablevibe.
Note: Kung first time mo gagamitin, kailangan mo munang i-link ang GCash account mo sa Tablevibe mini-program.
Need more Help?
Pag na-cancel ang order mo, makakakuha ka ng notification via GCash push notifications at SMS. Ang refund ay papasok sa GCash wallet mo sa loob ng 2 business days.
Para sa ibang issues sa orders mo, makipag-ugnayan direkta sa staff ng restaurant. Ang GCash ay payment method lang at hindi nagha-handle ng orders or refunds.