Unable to Log In to GCash for Business Account
Note:
Para sa pag-access ng existing account ang article na ito. Kung nahihirapan kang mag-sign up para sa bagong login, tingnan ang Unable to Create an Account.
Gamitin ang guide na ito para ayusin ang login issues, biglaang pag-log out, at portal errors sa iyong GCash for Business account. I-tap ang section sa ibaba para makita ang troubleshooting steps.
Login at password issues
May hiwalay na login ang GCash for Business mula sa personal GCash app. Bago mag-troubleshoot, siguraduhing mayroon ka ng iyong registered work email, password, updated supported browser, at access sa email inbox mo para sa OTPs.
I-check na:
- Nasa official portal ka: Mag-log in lang sa business.gcash.com. Hindi gagana ang personal GCash app at iba pang portals.
- Tama ang email at password mo: Ilagay ang iyong official work email nang walang typos. Kung nakalimutan mo ang password mo, i-select ang Forgot Password sa login page para i-reset ito.
- Active ang account mo: Kung bagong team member ka, magpa-invite sa company admin mo mula sa Members module. Kung na-return o na-reject ang business application mo, i-check ang email mo para sa susunod na steps.
Pagkatapos ng ilang failed login attempts, pwedeng pansamantalang ma-lock ang access ng account mo para sa security.
- Maghintay ng ilang minuto bago subukang mag-log in ulit.
- I-select ang Forgot Password sa login page para i-reset ang password mo kung hindi ka sigurado sa kasalukuyan mong login details.
Nagpapadala ang GCash for Business ng 6-digit one-time password (OTP) mula sa noreply-business@gcash.com tuwing maglo-log in ka. Valid ang bawat code nang 5 minutes.
I-check na:
- Na-check mo ang spam o junk folder mo.
- Stable ang internet connection mo, maghintay sandali, at i-select ang Resend.
- Naka-add ang noreply-business@gcash.com sa safe senders list mo para agad dumating ang mga susunod na codes.
Automatic logouts at timeouts
Para sa security, automatic na nagla-log out ang GCash for Business portal sa dalawang sitwasyon:
- Idle timeout (10 minutes): Kapag inactive ka nang 10 minutes, awtomatiko kang malo-log out at pwedeng mawala ang anumang unsaved entries.
- Session timeout (30 minutes): Mag-e-expire ang session mo 30 minutes pagkatapos mong mag-log in, kahit active ka pa.
Mag-log in lang ulit sa business.gcash.com para magpatuloy. Para sa mahahabang gawain, i-save nang madalas ang progress mo at ihanda ang login details mo.
Portal at browser errors
Karaniwang nagpapakita ang mga message na ito kapag may temporary page o system interruption:
- Maghintay ng ilang minuto at i-refresh ang page.
- I-check kung stable ang internet connection mo.
- Siguraduhing gumagamit ka ng updated, supported browser: Chrome, Firefox, Edge (version 116+), o Safari (version 16+).
- I-clear ang browser cache mo, o subukang mag-log in gamit ang ibang browser, device, o network.
Kung nakikita mo ang message na ito pagkatapos ng role update, pwedeng maghintay ng ilang sandali bago mag-refresh ang permissions:
- I-refresh ang page, o mag-log out at mag-log in ulit.
- Kung lumalabas pa rin ang error, i-confirm ang assigned role at permissions mo sa Merchant Super Admin o Merchant User Admin ng company mo.
Need more help?
Kung hindi mo pa rin ma-access ang account mo pagkatapos subukan ang mga steps na ito, mag-contact sa GCash for Business Merchant Support at isama ang:
- Ang full name at registered work email address mo
- Ang registered business name mo (kung nagsimula na ang onboarding)
- Malinaw na description ng ginagawa mo nang lumabas ang error
- Screenshot ng error at anumang reference code na ipinakita (at banggitin kung nakatulong ang pag-refresh)