Paano gamitin ang Loan Finder para mag-apply sa mga loan
Gamitin ang Loan Finder sa GCash app para mag-apply ng credit card o bank loan at ma-track ang request mo.
Note: Ang GCash ay tumutulong lang mag-submit ng application mo. Ang approval ng loans ay naka-depende sa partner bank.
Pwede mong gamitin ang Loan Finder kung ikaw ay:
- 18-70 years old
- Isang Filipino citizen
- Isang Fully Verified GCash user
- Kayang ma-meet ang requirements ng partner bank
Paano mag-apply ng loan sa Loan Finder
- Buksan ang GCash, tap Borrow.
- Tap Loan Finder.
- Basahin ang T&Cs and tap Confirm.
- Tap Apply Now.
- Ilagay ang required info at i-upload ang documents (kung kailangan), tap Submit.
- Kung nag-apply ka na before, naka-pre-fill na ang info mo.
Kapag na-approve ang loan mo, ang partner bank ang kokontak sayo tungkol sa loan disbursement mo.
Para i-cancel ang loan application mo, i-contact ang bank directly.