Overview of GCash for Business
Ang GCash for Business (G4B) ay isang online platform para sa mga businesses. Pwede mo itong gamitin para magbukas at mag-manage ng GCash business account sa iisang lugar—lahat online nang hindi na kailangang pumunta sa branch o mag-submit ng printed forms.
Sino ang pwedeng gumamit at mag-register sa GCash for Business?
Para sa mga businesses ng lahat ng laki sa Pilipinas ang GCash for Business, kasama ang:
- Micro at small businesses, kasama ang unregistered businesses
- Sole proprietorships na registered sa Department of Trade and Industry (DTI)
- Partnerships at corporations na registered sa Securities and Exchange Commission (SEC)
- Large enterprises
Para mag-register:
- Dapat ikaw ang business owner o isang authorized representative.
- Dapat gumamit ka ng email address na hindi naka-link sa ibang GCash for Business account.
- Para mag-apply para sa Starter (Tier 1) wallet, kailangan mo ng fully verified GCash account na active nang hindi bababa sa 12 months at hindi high-risk.
Hindi pa pwedeng mag-register sa portal ang mga business types na ito:
- Local government units (LGUs)
- National government agencies
- Non-government organizations (NGOs) at non-profit organizations
- Government-owned and controlled corporations (GOCCs)
- One-person corporations
- Cooperatives
Ano ang pwede kong gawin sa GCash for Business Portal?
Pagkatapos ma-set up ang account mo, pwede mong i-manage ang iyong wallet, transactions, branches, at team mula sa portal. Mag-tap ng category sa ibaba para makita kung ano ang pwede mong gawin:
- Magbukas ng business account: Mag-register at kumpletuhin ang application mo online gamit ang self-service onboarding. Pwede ring mag-apply ang mga eligible larger enterprises gamit ang agent-assisted process.
- I-check ang wallet balance mo: Tingnan ang iyong Available balance, Pending balance, at pinakabagong transactions sa Wallet Dashboard mo pagka-log in.
- Mag-move ng funds: Mag-transfer ng pera direkta mula sa business wallet mo papunta sa ibang GCash for Business merchant, o sa isang bank o e-wallet gamit ang PESONet.
- I-track ang transactions mo: I-filter ang transaction history mo ayon sa Date, Status, o Type, o mag-select ng kahit anong transaction para makita ang kumpletong detalye nito.
- Mag-download ng reports: I-export ang transaction history mo para sa accounting, reconciliation, at tax filing.
- Mag-manage ng branches: I-register ang mga business locations mo nang paisa-isa o nang maramihan (bulk) para ma-organize at ma-report ang activity per branch.
- Mag-manage ng team mo: Mag-invite ng team members at mag-assign ng user roles para makontrol kung ano ang pwedeng makita at gawin ng bawat tao sa account.
- Mag-request ng additional products: Mag-request at mag-activate ng karagdagang payment acceptance products (gaya ng in-store payment tools) direkta sa portal kapag onboarded ka na.
FAQs
Wallet at account
Kapag nag-apply ka, magtatanong ang portal tungkol sa iyong:
- Business type
- Industry
- Expected transaction volume
- Business size
Nakakatulong ang mga sagot mo para i-recommend ang wallet tier na bagay sa business mo.
To learn more, tingnan ang Wallet Tiers, Limits & Transfer Fees.
Portal access
Isang website ang G4B Portal. Pumunta sa https://business.gcash.com gamit ang supported desktop o mobile browser. Ito lang ang nag-iisang official website para sa GCash for Business.
Pagkatapos mag-log in, makikita mo ang iyong Wallet Dashboard. Pwede mo ring i-access ang mga pages na ito:
- Sign up: business.gcash.com/registration
- Log in: business.gcash.com/login
- Wallet Dashboard: business.gcash.com/wallet
- Transactions: business.gcash.com/transactions
- Branches: business.gcash.com/branches
- Members: business.gcash.com/members (Premium Wallet only)
- Profile and settings: business.gcash.com/profile
Browser at troubleshooting
Gumamit ng updated browser para siguradong gumagana nang maayos ang G4B Portal.
Sa desktop, pwede kang gumamit ng version 116 o mas bago ng:
- Google Chrome
- Mozilla Firefox
- Microsoft Edge (Chromium-based)
Supported din ang Safari version 16 o mas bago. Pwede mo ring gamitin ang portal sa mobile versions ng Safari, Google Chrome, at Mozilla Firefox.
- I-update ang browser mo.
- I-clear ang browser cache mo o sumubok ng ibang supported browser.
- I-check kung stable ang internet connection mo.
Safety at security
- I-type mismo ang website address o gumamit ng trusted bookmark.
- Bago ilagay ang detalye mo, i-check kung nagsisimula sa https://business.gcash.com ang address.
- Huwag ilagay ang detalye mo sa website na hindi gumagamit ng official address.
- Hindi kailanman hihingin ng GCash ang password mo sa pamamagitan ng email o chat.
GCash for Business glossary
Ito ang mga common terms na makikita mo sa portal at Help Center. Tingnan ang kahulugan ng bawat term sa ibaba.