Ano ang GCash Pera Outlet?
Ang GCash Pera Outlet (o GPO) ay platform na ginawa para sa mga micro, small, at medium na negosyo—gaya ng mga sari-sari store at general trade na tindahan—para makapag-provide ng services tulad ng Cash In, Cash Out, Send Load, Pay Bills, at Claim Padala para sa kanilang customers.
Pwede rin gamitin ng GPO ang iba pang features tulad ng Dagdag Pondo (GPO wallet top-up mula sa personal wallet), Pabayad QR para tumanggap ng payments, at Business Insurances para sa dagdag proteksyon ng negosyo.