Ano ang Watch Pay?
Gamit ang Watch Pay, pwede kang magbayad in-store gamit ang QR code sa supported na Huawei smartwatch mo—hindi mo na kailangan dalhin o gamitin ang mobile phone mo.
Mag-generate lang ng QR code sa watch mo at ipakita ito sa store na tumatanggap ng QR payments. Mas mabilis, mas safe, at mas convenient ang pagbabayad!