Issue with SoundPay device
Paalala:
Kahit offline o low battery ang SoundPay device mo, nananatiling active ang iyong QR code. Pwede kang magpatuloy sa pagtanggap ng bayad mula sa customers at i-confirm ang transactions sa pamamagitan ng SMS notifications sa iyong registered feature phone.
Kung hindi gumagana nang maayos ang SoundPay device mo, piliin ang issue sa ibaba at sundin ang troubleshooting steps.
- I-force restart: Pindutin nang matagal ang power button nang 10 segundo, pagkatapos ay tingnan kung may indicator lights na umiilaw.
- I-charge ang device: Isaksak ito sa gumaganang outlet gamit ang original cable at 5V 1A adapter (para maiwasan ang overcharging) sa loob ng 15 hanggang 30 minuto, pagkatapos ay i-turn on ulit.
- I-check ang indicator light: Tingnan kung may blue light para ma-confirm na connected ito sa network.
- I-check ang SIM card: Tingnan ang bottom slot para masiguradong walang sira at maayos ang pagkakalagay ng SIM card.
- I-restart ang device: I-turn off ang device at i-turn on ulit, pagkatapos ay tingnan kung iilaw ang blue light.
- I-check ang charging port: Tingnan ang top slot para masiguradong hindi ito maluwag o sira.
- Subukan ang ibang charger at outlet: Isaksak ang device sa ibang gumaganang outlet gamit ang ibang 5V 1A adapter at cable.
- I-verify ang charging status: Tingnan kung may red indicator light at pindutin ang power button para i-check ang battery level.
- I-verify ang payment: I-check ang iyong registered feature phone para sa SMS transaction confirmation.
- I-check ang volume ng device: Pindutin ang bottom rocker button para lakasan ang volume at pakinggan kung may notification tones.
- I-verify ang network connection: Siguraduhing nakailaw ang blue indicator light.
- I-restart at mag-test: Pindutin nang matagal ang power button nang 10 segundo para mag-restart, pagkatapos ay mag-run ng test transaction.
Need more help?
Kung nagpapatuloy pa rin ang issue pagkatapos gawin ang mga steps sa itaas, makipag-ugnayan sa GCash Partner Support o sa iyong dedicated Account Manager para sa karagdagang tulong o device replacement.