Paano magbayad ng GCredit dues
Pwedeng magbayad ng GCredit dues sa GCredit dashboard, Pay Bills, o sa mga Payment Partners ng GCash. Basahin dito kung paano:
- Sa GCredit management page, makikita ang breakdown ng dues mo.
- I-click ang Pay for GCredit
- Ilagay ang amount na iyong babayaran at i-click ang Next
- I-review ang amount na babayaran. Pindutin ang Pay
Makakakita ka ng confirmation na successful ang GCredit repayment mo.
- Buksan ang GCash app at i-click ang Bills > Fuse Financing Inc.
- Ilagay ang Loan Account ID, piliin ang GCredit, at ilagay ang amount na babayaran. I-click ang Next
- I-review ang amount na babayaran at pindutin ang Confirm
Ang pag-process ng payments sa GCash Pay Bills ay umaabot ng 3 business days.
Ang pag-proseso ng payments sa aming offline partners ay umaabot ng 1 business day. Para magbayad ng GCredit dues sa aming partners, ilagay ang Fuse Financing Inc. bilang biller at ilagay ang angkop na Account Number depende sa partner:
| Payment Partner | Account Number |
| Bank of the Philippine Islands | GCredit Account Number |
| Metrobank | |
| Banco de Oro (BDO) | GCash Registered Mobile Number |
| Bayad Center |
GCredit Statement of Account
I-check ang email na naka-register sa GCash account mo para makita ang Statement of Account (SOA) mo. Pinapadala ito monthly o sa billing date mo. Hanapin mo ang email na may subject na "Your GCredit Billing for MM/DD/YYYY to MM/DD/YYYY" at i-open ang attachment para makita ang billing details.