Ano mangyayari sa GCash Jr. account kapag nagpalit ako ng number?
Kapag nagpalit ka ng mobile number, hindi automatic na malilipat sa new number ang GCash Jr. account ng anak mo.
Para ma-link ito sa new number mo:
- Siguraduhin na walang laman o zero ang GCash Jr. wallet balance ng anak mo.
- I-delete ang GCash Jr. account.
- Gamit ang new mobile number mo, gumawa ng bagong GCash Jr. account.
Aabutin ng around 14 days para ma-relink ang account ng anak mo sa GCash Jr. dashboard. Ang verification naman ay aabot ng up to 3 business days.