Nasira ang SIM, phone, o camera ko
Para safe ang account mo, gumagamit ang GCash ng face verification at pwede lang mag-access sa mga registered na devices.
Bago ka magpalit ng phone, kailangan mo munang i-unregister ang luma mong phone. Pero kung nasira ito, don’t worry—pwede mo pa rin gamitin ang GCash sa bagong device.
Paano mag-register ng bagong phone
- Mag-log in sa GCash app.
- Makikita mo ang “It looks like you changed your phone”
- Tap I want to register this phone.
- I-complete ang selfie scan o ilagay ang OTP mo.
- Makikita mo ang screen na “For your safety, we are running o few more checks to make sure it's you trying to access to your account”
- Kailangang maghintay ng 4 hours bago ka maka-log in. For your security, hindi ito pwedeng palitan. Pagkatapos ng 4 hours, makakalog in ka na sa oras na nakalagay sa screen.