Paano mag-transfer ng pera sa local bank/e-wallet mula sa GCash account ko?
Pwede kang mag-transfer ng pera sa local bank o e-wallet gamit ang GCash sa pamamagitan ng paglalagay ng account details manually o pag-scan ng Bank QR code.
Paalala:
May PHP 15 na fee kada transaction.Via Account Details
- Sa GCash app mo, i-tap ang Transfer > Local
-
Piliin ang logo ng bank mo o pindutin ang View All
- Piliin ang bank kung saan gusto mong i-transfer ang funds
- Ilagay ang amount na ipapadala, account name, at account number
- I-tap ang Send Money
- I-review ang transfer details at i-tap ang Confirm
Via QR Code
- Sa GCash app mo, i-tap ang Transfer > Local
- Pindutin ang Scan/Upload Bank QR code
- I-scan ang QR code. Automatic ang pag-fill in ng account name at account number. Ilagay ang amount na ipapadala
- I-tap ang Send Money
- I-review ang transfer details at i-tap ang Confirm
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Paano mag-cash in sa GCash mula online banking app o website?
- Paano gamitin ang Send Money para magpadala ng pera sa ibang GCash account?
- Paano mag-save ng bank account details para sa for Bank Transfers gamit ang GCash?
- Paano mag-schedule ng bank transfer sa GCash?
- Hindi ako makapag-transfer sa ibang ibank gamit ang GCash. Anong dapat kong gawin?