Delete GStocks PH account
Ang pag-close ng GStocks PH account mo ay permanent at hindi na pwede i-undo. Pag na-close na ito, hindi ka na makaka-access ng kahit anong account data o funds.
Para i-close ang account mo:
-
Siguraduhin na zero na ang GStocks PH balance mo.
- I-sell lahat ng remaining holdings, tapos hintayin na matransfer ang pera sa GCash Wallet mo.
- Wag na gumawa ng bagong GStocks PH transactions habang naghihintay.
- Pag lumabas na ang final amount sa GCash Wallet mo, saka ka magpatuloy.
- Kapag lahat ng sell orders ay complete na at zero na ang GStocks PH Wallet balance mo, i-fill out ang Account Closure form.
- Click here para mag submit ng request para i-close ang account. Make sure to attach the form.