Bakit na-close ang GCredit account ko?
Posibleng na-close o na-revoke ang GCredit account mo dahil sa mga sumusunod na dahilan:
- Outstanding GCredit dues ng 3 buwan - Lumipas ng 3 buwan mula sa due date nang hindi pa nababayaran ang GCredit dues mo.
- Foreign nationality - Ang GCredit ay available lang para sa Filipino citizens, at ikaw ay isang foreign national.
- Maximum age requirement - Lumagpas ka na sa age limit na 65 years old.
Kung ang GCredit account mo ay permanently closed, hindi mo na ito magagamit para sa future transactions, pero kailangan pa ring bayaran ang outstanding balance mo. Magpapadala ang GCash ng SMS para ipaalam sayo kung sarado na ang GCredit account mo.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: