Na-deactivate ang GCredit account ko. Anong dapat kong gawin?
Ang GCredit account mo ay deactivated na dahil sa mga sumusunod na dahilan:
- May outstanding GCredit dues ka - Kailangang bayaran ang GCredit dues sa loob ng 3 buwan pagkatapos ng due date mo.
- Kailangan mong magbigay ng additional details - Posibleng humingi ang CIMB Bank ng additional information para sa account mo.
- Invalid ang ID na sinubmit mo - Ang submitted ID mo ay posibleng hindi kasama sa listahan ng accepted IDs o hindi ito tugma sa account details mo. Kailangan mo itong i-submit ulit.
- Madami kang GCredit accounts - More than one GCredit account ang nakapangalan sayo. Kung madami kang GCredit accounts, lahat ng GCredit accounts mo ay magiging deactivated.
-
HINDI ka nag-agree sa terms and conditions ng CIMB - Kailangan mong pumunta sa GCredit dashboard, i-update ang impormasyon mo, at mag-agree sa terms and conditions ng CIMB.
Kapag nagawa mo na ang mga requirements sa itaas, click here to ask for help para ma-reactivate ang account mo. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: