Anong mangyayari kapag binayaran ko nang maaga ang GGives dues ko?
Kapag binayaran mo nang buong-buo at mas maaga ang iyong GGives loan, ito ang pwedeng mangyari:
Interest cashback
- Kapag fully paid ang GGives loan mo at least 1 month bago ang last payment date mo, maaari kang makakuha pabalik ng interest para sa mga natitirang buwan sa schedule mo.
- Ise-send ang cashback sa GCash wallet mo within 14 business days, at makakatanggap ka ng SMS kapag pumasok na ito.
Sample Payment Schedule
- Final payment date: July 20, 2023
- Loan fully paid: May 19, 2023
- Sakop ng cashback ang interest para ng June at July
Loan Limit reset
- Ang iyong GGives credit limit at loan count limit ay maaaring mag-reset para makakuha ka ulit ng panibagong GGives loan, kung qualified ka pa rin.
Regular naming nire-review ang iyong loan offers para maibigay sa’yo ang pinaka–bagay na options.