Paano mag-apply bilang isang GCash Pera Outlet Partner?
Mas pinadali ang pag-apply para maging GCash Pera Outlet (GPO) Partner!
Maaari kang mag-apply kung ikaw ay:
- May Android Cellphone
- Sole Proprietor na may physical na tindahan
- May Valid Government-issued ID
Steps para mag apply biglang GPO Partner
Kung interesado kang maging GCash Pera Outlet partner, sundan ang mga steps na ito:
-
Fill-upan ang Inquiry Form para simulan ang application
Mag-apply sa GCash Pera Outlet Application Form. Ibigay ang contact details at business address para ikaw ay ma-assess at para i-schedule ang pagbisita. -
Hintayin na mabisita ng Authorized Distributor representative para magawan ng GCash Pera Outlet Plus app account
Ihanda ang iyong mga requirements at ibigay ito sa GPO Distributor agent para masumite ang iyong application. -
I-download ang GPO Plus app at mag-login
- Pagkasumite ng iyong application, makakatanggap ka ng confirmation text mula sa GCash Pera Outlet. Simula nito, mayroon ka nang instant 14-day trial access sa GPO.
- Para masimulan ito, i-download ang GCash Pera Outlet Plus app sa Google Play Store (publisher: ECPay).
- Mag-log in gamit ang mobile number na ginamit sa GPO application, kung saan natanggap ang confirmation text.
-
Kumpletuhin ang AMLA requirements
Panoorin at tapusin ang AMLA video, at pumasa sa required score ng exam.
Requirements para maging GPO Partner
Requirements para sa business owner
Kung ikaw ay business owner na may physical na tindahan, ihanda ang mga sumusunod:
- Fully Verified GCash account
-
Business documents (isa o higit pa sa mga ito):
- Barangay Business Permit
- DTI Registration
- Mayor’s Permit
- BIR Registration / Certificate 2302
-
Physical na tindahan na may signage:
- Siguraduhin na bukas at maayos ang tindahan sa araw ng bisita. Ang acquiring o distributor agent ang kukuha ng malinaw na litrato ng tindahan at ng may-ari gamit ang GCash Pera Outlet Plus app.
-
Valid Government ID
- ACR ID (Alien Certificate of Registration)
- Driver's License
- HDMF (Pag-Ibig)
- IBP ID (Integrated Bar of the Philippines ID)
- National ID
- NBI Clearance
- Passport
- Postal ID
- PRC ID (Professional Regulation Commission ID)
- SSS ID (Social Security System ID)
- UMID (Unified Multi-Purpose ID)
Kung authorized representative ka (hindi ikaw ang owner)
Kung hindi ikaw ang may-ari pero ikaw ang mag-aasikaso ng GPO account bilang authorized representative, kailangan mong ihanda ang mga sumusunod bukod sa requirements ng business owner sa taas:
- Presensya ng business owner at authorized representative sa araw ng bisita ng acquiring o distributor agent
- Valid business permit ng tindahan (DTI Certificate, Mayor’s Permit, o Barangay Business Permit) na tugma ang business name at address
- Valid Government IDs ng business owner at applicant, bawat isa may 3 specimen signatures
Note: Sa araw ng bisita, ang acquiring o distributor agent ang kukuha ng:
- Selfie ng applicant (GCash account holder)
- Selfie ng applicant kasama ang business owner
- Picture ng tindahan kasama ang business owner at applicant, na:
- Kita ang harap ng buong tindahan
- Kita ang store name o signage
Need more help?
- Para malaman ang mga benepisyo ng pagiging GCash Pera Outlet, click here.
- Para malaman ang status ng iyong application, click here.
- Kung may katanungan o concerns tungkol sa GCash Pera Outlet Application, i-contact ang Official GCash Pera Outlet Distributor sa iyong area.
- To know more about GCash Pera Outlet, click here.