GCash Pera Outlet (GPO) Plus Advisory
Ang bagong GCash Pera Outlet (GPO) Plus mobile app ay may mga bagong features at updates sa iyong experience bilang GPO partner.
Basahin ang sumusunod para malaman ang mga features ng bagong app at anong mangyayari sa lumang account at wallet balance.
Ano ang mga benefits ng bagong GPO mobile app?
- Mas maraming fund-in options
- Additional billers
- All load partners now available
- Mas mabilis na approval (2-3 days)
- Assisted onboarding ng agent para siguradong tamang documents ang maipasa.
- 14 day trial period
Tungkol sa lumang GPO
Paalala:
Hindi na maa-access ang lumang GPO account pagkatapos ng November 30, 2024. Siguraduhing ubusin ang wallet balance bago mag November 30, 2024.
Ano'ng mangyayari sa existing balance ko?
- Kailangang ilipat ang existing balance sa lumang GPO account at siguraduhing wala nang laman (zero out) bago ang November 30, 2024.
- Para i-zero out ang iyong lumang wallet, buksan ang iyong lumang GPO account at gamitin ang Pa-Cash In feature para ilipat ang balance ng wallet papunta sa iyong personal GCash account.
Paano kung hindi ko ma-zero out ang wallet ko bago ang November 30, 2024?
I-ttransfer ng GCash ang natitirang balance papunta sa iyong personal GCash account.
Tungkol sa bagong GPO
Ano ang mga features ng bagong app?
Available Features:
- Pa-Cash In
- Pa-Cash Out
- Send Load
- Pay Bills
Coming Soon:
- Gumawa ng QR
- Dagdag Pondo
Ano'ng Bago?
- Updated Dashboard: Mas madali ang navigation.
- Total Earnings Target Tracker: Pwede ka nang mag-set at mag-track ng target earnings kada buwan.
-
Additional Fund-In Partners:
- DSP Agent / Distributor Fund-In
-
Mga Bagong Partners:
- 711
- ECPAY (Listahan ng Accredited ECPay Merchant Partners)
- Online Banking (Listahan ng Bank Partners)
- Wallet History: Buong record ng iyong wallet transactions.
- Additional Billers: Over 500+ biller partners na pagpipilian.
- Additional Load Partners: Maari na mag offer ng load to ALL networks
- My Suki: Maaring i-save ang details ng iyong Suki para maiwasan ang pagpapadala ng transactions sa maling recipient.
- My Kita: Mabilis na ma-monitor ang iyong kita.
Paano ko maa-access ang bagong GCash Pera Outlet mobile app?
- I-download at abangan ito sa Google Play Store simula October 15, 2024.
- Ang mga piling GPOs ay makakatanggap ng SMS notification na nagsasabi na sila’y preregistered na.
- Para sa mga nakatanggap ng SMS mula sa GCash: Sundin ang instructions sa mensahe para ma-access ang bagong GPO app.
- Para sa mga hindi nakatanggap ng SMS mula sa GCash: Kontakin ang iyong Distributor sa iyong lugar para sa tulong.
Paano ko ipopondohan ang bagong GPO wallet?
- Ang iyong bagong GPO account ay magsisimula sa zero balance.
- Pumili mula sa existing fund-in methods o kontakin ang iyong Distributor. Dagdag Pondo ay kasama dito.