Paano gamitin ang GGives para magbayad
Para magamit ang GGives, i-activate mo muna. Hindi mo puwedeng gamitin ang GGives para magbayad ng kahit anong loan. I-check ang iyong credit limit at kung pasok ka pa sa iyong loan count limit
Paano magbayad gamit ang GGives sa partner merchants:
- Sa checkout, piliin ang Pay with GCash at mag-log in.
- Piliin ang GGives > See Installment Options.
- Piliin ang plan mo, i-review at i-accept ang Disclosure Statement > tap Pay with GGives.
Makakakita ka ng payment receipt kapag tapos na.
Paano ko malalaman kung magkano ang babayaran ko sa GGives loan ko?
- Makakakuha ka ng email na may subject na “Congratulations on your GGives Purchase. Here are your Loan Details.”
- I-open ang email para makita ang iyong GGives loan payment schedule at disclosure statement.
Paalala:
Pagkatapos mong bumili gamit ang GGives at pirmahan ang disclosure, hindi mo na mababago ang GGives loan details mo.