GCash Travel
Sa GCash Travel+, pwede mo nang i-book lahat ng travel needs mo diretso sa GCash app.
Dito, puwede kang mag-book ng flights, hotels, eSim, attractions & tours, car rentals, at train tickets.
Para makita ang GCash Travel+, buksan lang ang GCash app tapos hanapin ang “Travel” sa ilalim ng “Do More with GCash” o i-tap ang View All tapos piliin ang Travel.
Kapag nag-book ka gamit ang GCash Travel+, ibig sabihin tinatanggap at ina-agree-han mo ang Alipay+ Voyager Terms and Conditions at Privacy Notice. Basahin ang Terms and Conditions at Privacy Notice para sa karagdagang impormasyon.
How can I book a flight?
Paalala: Bago ka mag-book ng flight, siguraduhin mo na valid pa ang passport mo ng at least 6 months mula sa petsa ng biyahe mo. Tingnan din kung kailangan mo ng visa o iba pang travel documents papunta sa bansa na pupuntahan mo.
-
Piliin ang Flights at ilagay ang destination pati na rin ang iyong departure at return date kung round-trip ang kukunin mo. Makikita mo sa search results lahat ng available na flight times. Naka-24-hour format (00:00 hanggang 23:59) ang flight times.
-
Piliin mo ang flight na gusto mo at i-check ang “Baggage and policy details.” Nasa ticket mo ang impormasyon tungkol sa baggage policy, at puwede kang magdagdag ng extra baggage habang nagbabayad (kung available) o sa mismong check-in. Tandaan na karamihan sa flights ay may cancellation fees na hindi puwedeng alisin ng GCash Travel+. Kung may refund man, airline pa rin ang magde-decide kung ma-approve.
-
Ilagay ang booking details.
-
I-tap ang Book Now at tapusin agad ang payment gamit ang GCash sa loob ng 30 minutes. Kung hindi mo ito magawa sa oras, hindi magpapatuloy ang booking mo. Siguraduhin ding sapat ang laman ng GCash wallet mo bago ka magbayad.
Bago ka mag-book, siguraduhing tama at final na ang lahat ng details at petsa. Kapag may mali, puwedeng mag-fail ang ticket issuance, magka-fee pag nag-request ng changes, o hindi ka payagan sumakay—depende sa airline policy.
Kakabayad ko lang ng flight. Kailan ko makukuha ang ticket?
Pagkatapos mong i-book ang flight mo, makikita mo sa booking details na “Ticketing” ang status nito.
Pag na-process na ang booking at may natanggap ka nang confirmation email (usually within 24 hours), magbabago na rin ang status to “Ticket(s) Issued.” Ibig sabihin, ready na ang ticket mo at pwede mo na gamitin.
Paano ko i-check ang flight details ko?
Nahihirapan ka bang hanapin ang flight confirmation email mo? Heto ang mga pwede mong gawin:
- I-double check mo kung tama yung email address na nilagay mo nung nag-book ka ng flight.
- Para macheck, tap mo yung
sa upper right corner ng GCash app homepage.
- Piliin ang My Orders at hanapin yung flight booking mo.
- Sa “Contact Info” section, makikita mo kung tama ang email address na nilagay mo.
- Kung tama naman ang email mo, silipin mo na rin ang junk o spam folder ng email mo—baka dun napunta yung confirmation.
Nag-fail ang flight booking ko. Kailan ko makukuha ang refund?
Kapag nag-fail ang booking mo, automatic na mag-uumpisa agad ang refund process. Dapat makikita mo na yung refund sa GCash Wallet mo within 48 hours.
Kung after 48 hours eh wala ka pa rin na-receive na refund, kontakin mo na agad ang GCash Travel+ Customer Care team para matulungan ka nila.
Where can I check my ticket and flight time after the booking?
Para makita ang booking details at status mo, i-tap lang ang icon sa upper right corner ng Travel+ homepage. Piliin ang My Orders tapos hanapin ang flight booking mo doon.
Reminder lang, naka-24-hour format ang mga oras ng flight (00:00 to 23:59).
Tignan mo sa baba ‘yung sample screenshot ng booking:
- Departure: Dubai (DXB airport) on May 19, 2025, at 19:55 (7:55 PM) on Monday.
- Arrival: Manila (MNL airport) on May 20, 2025, at 09:20 (9:20 AM) on Tuesday.
- Return departure: Manila (MNL airport) on June 16, 2025, at 12:35 (12:35 PM) on Monday.
- Return arrival: Dubai (DXB airport) on June 16, 2025, at 18:10 (6:10 PM) on Tuesday.
Paano kung nareschedule o na-cancel ang flight ko?
Kapag may pagbabago sa flight schedule mo, maghintay ng SMS, email, o notification galing sa airline. Siguraduhin lang na tama ang contact details na nilagay mo nung nag-book ka para siguradong marereceive mo ang updates.
Huwag kalimutang i-check ang spam o junk folders ng email mo.
Para makita ang latest flight details, pwede mong bisitahin ang website ng airline o kontakin sila directly para sa pinaka-updated na info.
Kung kailangan mo pa ng tulong, pwede ka rin mag-reach out sa GCash Travel+ Customer Care team.
Paano mag-reschedule ng flight?
Tandaan na hindi lahat ng flights puwedeng i-reschedule. Para malaman kung pwede baguhin ang flight mo at kung may change fee, i-tap mo ang “Baggage and Policy Details” sa ilalim ng booking mo.
Kung eligible naman for changes ang flight mo at alam mo na kung magkano ang change fee, puwede mo nang i-edit ang flight mo by following these steps:
- Buksan mo ang GCash | Travel+ mini program at i-tap ang
icon sa upper right corner ng homepage.
- Piliin mo ang My Orders at hanapin ang flight booking mo.
- I-click ito at i-tap ang ‘Change’ button, tapos pumili ng bagong date ng flight na gusto mo. Huwag kalimutan ilagay sa ‘Remarks’ section ang preferred flight time o flight number mo (dapat same airline at same cabin class).
Pagkatapos mo mag-submit ng request, maghintay ng 48 oras para malaman ang resulta. Makakatanggap ka ng email mula sa voyager-fliggy@service.alipay.com tungkol sa status ng pagbabago sa booking mo.
Kung may bayad o change fee na kailangan bayaran, dapat mong bayaran ito gamit ang GCash within 30 minutes para makasigurado na reserved pa rin ang seat mo. Kung hindi ka makabayad sa oras, kailangan mong gumawa ulit ng request o manatili sa original mong flight.
Pwede ko bang baguhin ang booking details? (change name, change passport details, atbp)?
Kung gusto mong baguhin ang anumang detalye ng traveler, makipag-ugnayan ka sa GCash Travel+ Customer Care team.
Paalala lang, posible na may karagdagang bayad para sa ganitong request dahil depende ito sa policy ng airline na pinili mo.
Kailan maco-confirm ang flight ko?
Kapag nagbook at nagbayad ka na matatanggap mo na agad ang flight ticket sa email address na binigay mo, usually within 24 hours. Pero kung iba ‘yung nakalagay sa ticket status, ‘yun ang susundin.
Kakatapos ko lang kumpletuhin ang order ko, kailan ko makukuha yung ticket?
Kapag nagbook at nagbayad ka na matatanggap mo na agad ang flight ticket sa email address na binigay mo, usually within 24 hours. Pero kung iba ‘yung nakalagay sa ticket status, ‘yun ang susundin.
Paano mag-cancel ng booking at kailan ako makakakuha ng refund?
Hindi po lahat ng flights ay pwedeng i-cancel. Para malaman kung pwede bang i-cancel ang flight mo at kung may bayad sa pagbabago o cancellation, i-tap ang “Baggage and Policy Details” sa booking mo.
Kung eligible for cancellation ang flight mo at aware ka na rin sa mga possible na cancellation fees, pwede ka nang mag-self-cancel gamit ang mga steps na ito:
- Sa GCash Travel+ homepage mo, i-tap ang
icon sa top right corner ng screen.
- Piliin ang My Orders at hanapin ang flight booking mo.
- I-click ito at i-tap ang ‘Refund’ button, tapos ilagay ang rason kung bakit mo gusto mag-cancel.
- Para sa round-trip bookings, pwede mong i-cancel ang buong booking, o yung return flight lang pagkatapos ng alis mo. Hindi pwede i-cancel ang isang leg lang ng outbound or inbound flight.
- I-tap ang Yes, cancel the flight para i-process na ang cancellation request mo.
Kung involuntary ang reason ng pag-cancel mo ng flight—gaya ng pagka-confine sa ospital o medical emergency—piliin ang “Unable to fly due to medical reasons (proof needed)” na refund reason sa app.
I-upload din ang mga kinakailangang supporting documents.Kadalasan, ito ang mga dokumentong hinihingi, pero tandaan na pwedeng mag-iba depende sa airline.
I-check mismo sa airline mo kung may specific na dokumentong kailangan.
- Medical records and a diagnosis certificate issued by the patient’s hospital or clinic
- Medical invoices (original receipts for treatment expenses)
- A list of prescribed medication
- A clear and complete color copy of the passenger’s passport (all pages)
- Copies of medical test results or reports (e.g., laboratory results, MRI/CT/X-ray scans)
- A doctor’s certificate stating the patient is unfit to travel during the scheduled flight period (must include the hospital’s stamp and the doctor’s signature)
- Proof of relationship (if immediate family members traveling with the patient are cancelling to provide care), such as birth certificates, marriage certificates, or a complete household register (including the household owner’s page and individual information pages)
Pagkatapos mong magsubmit ng request, maghintay ng 24 oras para sa resulta. Ipapadala sa'yo ang update tungkol sa status ng cancellation request mo sa email mo mula sa voyager fliggy@service.alipay.com.
Hintayin lang ang notification bago gumawa ng susunod na steps.
Pakitandaan po na ang refund amount ay pwedeng umabot ng hanggang 5 working days bago ito makitang pumasok sa GCash Wallet mo.
Minsan, depende rin sa payment processing, kaya hintayin lang po natin within 5 business days.
Paano mag-book ng hotel?
- Sa GCash Travel+ homepage, piliin ang Hotels at i-search ang city or hotel na gusto mo para makita kung available sila sa mga check-in/check-out dates mo.
- Pumili ng hotel at basahin muna ang terms at privacy policy nila.
- Ilagay ang booking details mo.
- I-tap ang Book Now at bayaran gamit ang GCash. Siguraduhin na may sapat na balance ang GCash Wallet mo bago magbayad.
Paalala: Siguraduhin na final na ang dates mo bago ka mag-book, kasi hindi na ito pwedeng palitan pag nabayaran na.
Kapag na-place na ang booking mo, magpapakita muna ito ng “Confirming.” Kapag ok na ang process, magiging “Confirmed” na at makakatanggap ka ng confirmation email within 30 minutes.
Siguraduhin na tama ang email na nilagay mo. I-tap ang icon sa taas ng Travel+ homepage, piliin ang My Orders, hanapin ang booking mo, at i-check ang "Contact Info" para sure na tama ang email mo. Tignan din ang junk o spam folder just in case.
Kung hindi ka naka-receive ng confirmation email, automatic na ika-cancel ang booking mo at makukuha mo ang refund sa loob ng 5 working days.
Paano makikita ang hotel booking details?
Para makita ang booking details at status mo, i-tap mo lang yung icon sa upper right ng homepage. Piliin ang My Orders at i-select yung hotel booking mo doon.
Kung may biglaang concern o abiso tungkol sa destination city or hotel mo, magpo-post ng reminder ang GCash Travel+ sa ilalim ng booking details mo.
Paano mag-cancel ng hotel booking?
Pwede mo lang i-cancel yung booking mo kung nagawa mo ito more than 24 hours in advance at kung pinapayagan ng hotel ang cancellation. Kung hindi pumapayag yung hotel, hindi rin pwedeng mag-cancel si GCash Travel+. Tandaan, may chance na magkaroon ng cancellation fees at hindi rin guaranteed ang full refund.
Para mag-cancel:
- I-tap ang
icon sa upper right ng homepage, tapos piliin ang My Orders. Piliin ang hotel booking na gusto mong i-cancel.
- I-tap ang Cancel Booking.
Kapag nakuha na ang request at na-cancel na, magiging “Canceled Successfully” ang status ng booking mo sa app at makakatanggap ka ng email update.
Paano i-check kung compatible yung phone sa eSIM?
May dalawang mabilis na paraan para malaman kung eSIM ready ang phone mo:
- EID (Embedded Identity Document Number): Kung compatible sa eSIM ang device mo, makikita mo dito ang EID number. Para ma-check, i-dial mo lang *#06# tapos pindutin ang call.
-
Settings ng Phone mo:
-
Para sa iOS:
- Pumunta sa Settings.
- I-tap ang General.
- Piliin ang About.
- Hanapin ang “EID” section—kung meron, pwede sa eSIM phone mo!
- Siguraduhin din na ang “Carrier Lock” ay nakalagay na “No Sim Restrictions.”
-
Para sa Android:
- Pumunta sa Settings.
- Tap Network & Internet.
- Hanapin kung may “+” option na magdagdag ng mobile plan—ibig sabihin, eSIM compatible ang device mo.
-
Para sa iOS:
Kailan pwede i-install ang eSIM?
Mainam na i-install ang eSIM mo ilang oras bago ang flight mo paalis ng bansa.
Karaniwan, mag-a-activate ang package ng eSIM pagdating mo sa ibang bansa, once na may data signal na yung phone mo mula sa local carrier.
Pero, may mga eSIM na automatic na naga-activate pagkaka-install pa lang — hindi na kailangan hintayin makatapak ka ng ibang bansa.
Siguraduhin mong nabasa at naintindihan mo yung activation policy ng eSIM mo bago ka bumiyahe.
Piliin yung icon sa top right corner ng homepage, tapos i-tap ang My Orders.
Hanapin at piliin yung eSIM booking mo para makita ang activation policy.
Paano mag-install at mag-set up ng eSIM?
Bago mo i-install ang eSIM sa Android phone mo, siguraduhin muna na compatible ito sa eSIM at may stable kang internet connection.
For Android Users:
- Buksan ang Settings at pumunta sa Network & Internet.
- I-tap ang + sign sa SIMs.
- Piliin ang ‘Download a SIM instead’ at i-tap ang Next.
- I-scan ang QR code na nakuha mo mula sa GCash Travel+. Hintayin munang mag-check ang device mo ng network info at kapag pwede na, i-tap ang Download para ma-install.
For iOS Users:
- Pumunta sa Settings, i-tap ‘Cellular at piliin ang Add eSIM.
- I-tap ang Use QR Code para i-scan ang QR code mula sa GCash Travel+.
- I-tap ang Continue at hintayin ng ilang minuto hanggang kumonek ang eSIM mo, tapos tap ‘Done’.
- I-tap ang Activate eSIM at ulit na Continue para mag-activate na ito.
Pwede ba mag top up ng data sa eSIM packages?
Pwede kang bumili ng extra data para sa eSIM package mo kung naka-Daily Data Package ka — i-tap mo lang ang ‘Add On’ button.
Paalala: Kapag bumili ka ng data add-on, hindi nito pinapahaba ang validity ng original eSIM package mo. Dadagdag lang ito ng data na magagamit mo, pero ang expiration ay same pa rin sa original eSIM package mo.
Halimbawa, naka-7-day daily data package ka tapos nag-buy ka ng add-on sa huling araw at 5 hours na lang bago mag-expire. Magagamit mo agad yung add-on, pero hanggang sa natitirang 5 oras lang ito valid dahil tapos na rin yung original package mo after nun. Kahit hanggang 24 hours sana ang maximum ng add-on, masusundan pa rin nya ang expiration ng package mo kung mas maaga ito matapos.
Kung kailangan mo pa ng data lampas sa validity ng package mo, kailangan mong bumili ng panibagong eSIM package.
Saan ko makikita ang data usage ng eSIM?
To view the data usage status of your eSIM, simply follow the steps below:
- Select the
icon on the top right corner of the GCash Travel+ homepage and tap My Orders and locate the eSIM package you ordered;
- You should be able to see a gauge that indicates the current usage status, and the remaining data available.
Alternatively, you can also check your current data usage through your phone's settings. Most devices that support eSIM will have a dedicated section where you can monitor your data usage.
Para makita mo ang data usage ng eSIM mo, sundan lang ang steps na ito:
- I-tap ang
icon sa upper right ng GCash Travel+ homepage. Pindutin ang My Orders at hanapin yung eSIM package na binili mo.
- Makikita mo d’yan ang gauge o indicator ng current usage at gaano pa karami ang natitirang data.
Pwede mo rin tingnan ang data usage using your phone’s settings. Karamihan ng phones na may eSIM feature, may sarili silang section kung saan makikita yung data usage mo.
Paano magbook ng attraction o tour ticket?
- Sa GCash Travel homepage, i-tap ang Attraction o Tours.
- Piliin mo ang destination city o specific na Attraction o Tour na gusto mo.
- Basahin at intindihin muna ang terms at privacy policy nila.
- Tapusin ang booking sa pamamagitan ng Book Now at bayaran gamit ang GCash.
Paalala lang:
Siguraduhin mo na final na ang petsa mo bago mag-book, kasi hindi na ito pwedeng baguhin kapag nakabayad ka na.
Confirmation:
Makukumpirma ang booking mo pag lumabas na ang “Confirmed” sa order page mo at makatanggap ka rin ng confirmation email sa email address na binigay mo.
Checking Email Info:
Siguruhing tama ang email na na-input mo. Para macheck, i-tap ang icon sa upper right ng GCash Travel+ homepage, piliin ang My Orders, hanapin ang booking mo, at tignan sa “Contact Info” kung tama ang email mo. Hanapin ang confirmation email sa spam o junk folder mo.
Refunds:
Kung hindi mo natanggap ang email, automatic na "Canceled” ang booking at mababalik ang bayad sa loob ng 5 working days.
Saan ko makikita yung mga na book na attraction/tour details?
Para makita ang details at status ng booking mo, pumunta lang sa My Travel > My Orders at piliin ang attraction o tour booking na gusto mong i-check.
May mga attraction na idi-direct ka sa official website nila para ma-download ang e-Ticket mo. Sundan mo lang ang instructions na ibibigay doon.
Nag-book ako ng day tour? Tatawagan ba ako ng tour operator?
May mga travel agency o guide na kusang magme-message sa’yo bago ang trip, pero depende ito sa napili mong package. Para sure, check mo yung Booking Details mo kung may info tungkol dito.
Kung wala namang nakipag-ugnayan sa’yo, pumunta ka lang sa mismong lugar ng meetup sa oras na nakalagay sa booking mo. Makikita mo ang eksaktong meetup details sa Itinerary Details section ng Reservation Details page.
Kung may kailangan ka pang tulong or clarifications, puwede kang mag-message sa GCash Travel+ Customer Care Team.
Pwede ba mag cancel ng attraction/tour booking?
Bago ka mag-book, siguraduhin mong basahin muna ang cancellation policy sa "Product Details" section. Kapag confirmed na ang booking mo, makikita mo ulit ang cancellation policy sa "Cancellation Policy" tab ng order mo.
Paalala: Bago ka mag-book ng car rental, siguraduhin munang 18 years old ka pataas, may valid na driver’s license mula sa bansa kung saan ka nakatira, at hawak mo na ang full license mo nang 1 hanggang 2 taon. Iba’t ibang requirements per rental, kaya mas mabuting i-check mo pa rin sa booking page.
Hindi tinatanggap ang provisional o student permit na license.
Kung ang driver’s license mo ay naka-print sa non-Roman alphabet (halimbawa, Arabic, Chinese, o Cyrillic), highly recommended kumuha ka ng International Driving Permit (IDP). Kung galing sa bansang hindi kasali sa International Driving Permit treaty ang lisensya mo, kailangan din ng opisyal na English translation.
Kung sa Europe ka magre-rent ng sasakyan at hindi ka taga-EU, kailangan mong ipakita ang iyong International Driving Permit kasama ng iyong local driver’s license.
Paano mag-book ng car rental?
- Piliin mo ang Car Rentals at hanapin ang city o hotel na gusto mo para makita kung available.
- I-input ang mga detalye na ito:
- Pick Up at Drop Off Location
- Pick Up at Drop Off Time
- Edad ng Driver
- Pumili ng category ng sasakyan at rental provider na gusto mo.
- Basahin at i-review ang terms at privacy policy.
- I-tap ang Book Now, at tapusin ang bayad gamit ang GCash. Siguraduhin na sapat ang laman ng GCash wallet mo bago magbayad.
Siguraduhin tama ang email at ibang details na inilagay mo. I-tap ang icon sa taas ng GCash Travel+ homepage, piliin ang My Orders, hanapin ang car rental booking mo, at i-check ang "Contact Info" kung tama ang email mo.
Tingnan din ang junk o spam folder ng email mo para sa confirmation email.
Kung hindi mo pa rin natanggap ang email, automatic na magiging "Canceled" ang booking mo, at ibabalik ang bayad mo sa loob ng 5 working days.
Paano mag-cancel ng car Rental?
Paalala: Puwedeng may bayad ang pag-cancel ng booking mo, o kaya posible din na hindi mo makuha ang refund. I-check ang cancellation policy at terms bago ka mag-cancel.
Para mag-cancel ng car rental booking:
- Pindutin ang My Travel > My Orders at hanapin ang car rental booking na gusto mong i-cancel.
- I-tap ang Cancel Booking.
- Pwede ring i-tap yung
icon sa upper right ng GCash Travel+ homepage, piliin ang My Orders, hanapin ang car rental booking mo, at tap Cancel Booking.
Paano kung na cancel o na-delay yung car rental ko?
Kontakin at i-inform agad ang car rental company tungkol sa bago mong estimated arrival time.
Kung nilagay mo ang flight details mo sa booking, masusundan ng car rental company ang flight mo at pwedeng i-hold ang car para sa’yo hanggang 1 hour (basta pasok pa sa operating hours nila). Hindi sigurado ang pag-hold ng car kung late ka.
Hindi maayos ang kondisyon ng nirentahang kotse nang kunin ko ito. Ano ang dapat kong gawin??
Pagdating mo sa pick-up location at nakita mong hindi maganda ang condition ng nirerentang car (halimbawa, may sira o madumi), sabihin mo kaagad ito sa staff ng car rental at mag-request ka ng ibang sasakyan na mas maayos.
Kung hindi nila agad maayos ang concern mo, paki-contact ang GCash Travel+ Customer Care para matulungan ka namin maghanap ng mas maayos na kapalit kasama ang car rental agent.
Puwede bang higit sa isang (1) driver ang magmaneho ng kotse habang ginagamit namin ang serbisyo?
Oo. Pagdating sa rental counter, ipaalam sa staff kung nais mong magdagdag ng driver. Kailangang personal na kasama mo ang karagdagang driver at dala ang kanyang lisensya at iba pang valid na ID.
Babayaran mo ang dagdag na driver sa mismong car rental company pagkuha ng sasakyan. Kung hindi ito gawin, maaaring hindi maging valid ang insurance protection ng kotse at ikaw ang mananagot sa anumang aberya.
Karamihan sa car rental companies ay may bayad para sa dagdag na driver, pero may ilan ding nagbibigay ng isang (1) libreng additional driver sa bawat order. Mangyaring makipag-ugnayan sa mismong car rental company para sa eksaktong presyo at patakaran tungkol sa dagdag na driver.
Naaksidente ako sa sasakyan, paano ko maikiklaim ang insurance ko?
Pasensya na talaga sa nangyari. Siguraduhin mo lang na naka-save at maayos ang mga importanteng documents na ito:
- Car Rental Agreement
- Car Damage Inspection Report
- Official Receipt ng Penalty Charge para sa insurance claim
Para masimulan ang insurance claim, contact mo lang agad ang aming Customer Care Team at i-submit ang mga dokumentong ‘yan.
Tandaan, pwedeng mag-iba-iba ang tagal ng proseso ng claim, depende sa underwriting
Paano mag-book ng train ticket?
-
Piliin ang Trains at i-search ang lugar ng alis at destinasyon mo, pati na rin ang petsa ng biyahe para makita kung may available na train.
- Origin Station (Saan ka sasakay)
- Destination Station (Saan ka bababa)
- Date of Departure (Kailan ang biyahe mo)
- Number of Passengers (adult, senior, o youth)
Ilagay ang mga sumusunod na detalye:
- Piliin ang oras at transportation carrier na gusto mo.
- I-confirm ang seat type at basahin mabuti ang mga policy.
Siguraduhin mong tama ang email at ibang details na nilagay mo. I-tap ang icon sa upper right corner ng GCash Travel+ homepage, piliin ang My Orders, tapos hanapin mo ang train ticket booking mo. Tingnan sa “Contact Info” kung tama ang email mo.
Kung wala pa ring confirmation email, i-check mo rin ang junk o spam folder ng email mo.
Kapag hindi mo pa rin natanggap ang email, automatic na ika-cancel ang booking mo at makakatanggap ka ng refund sa loob ng 5 working days.
Pwede ba magreserve ng seat sa trainCan I reserve a specific seat?
Sa ngayon, wala pong seat selection sa GCash Travel+. Usually, ang mga upuan ay automatic na ina-assign ng train carrier mismo.
Kung may special na kailangan ka—for example, may kasama kang bata, senior, o may kailangan sa upuan—puwede mong i-contact directly ang train carrier para mapag-usapan niyo ang arrangement.
Makikita mo ang details ng train carrier at order mo sa icon na nasa upper right corner ng homepage ng app.
I-tap mo lang ang '' icon, tapos piliin ang My Orders para makita ang information ng booking mo.
Gaano katagal bago ko matanggap ang kumpirmasyon ng booking matapos magbayad?
Dapat ma-receive mo ang confirmation ng ticket mo within 5 minutes matapos ka magbayad.
Kung wala ka pa ring natatanggap na confirmation email pagkatapos ng ilang minuto, paki-contact po ang aming customer care para matulungan ka namin.
Puwede ko bang baguhin ang petsa at oras ng ticket ko?
Sa ngayon, hindi pa namin pwedeng baguhin ang details ng train ticket mo (tulad ng date, oras, o departure/arrival).
Kung kailangan mong baguhin ang travel plans mo, mas mabuting i-cancel mo muna ang binili mong ticket at bumili ng panibago para sa bagong schedule mo.
Tandaan na may posibleng cancellation fees na ma-charge; i-check mo muna ang refund policy ng ticket mo bago mag-cancel.
May insurance ba sa train ticket ko?
Sa ngayon, hindi pa available ang insurance bilang dagdag na service dito sa amin.
I-check mo muna sa train carrier kung kasama na ang insurance coverage sa ticket na binili mo.
Pwede ka rin kumuha ng travel insurance mula sa ibang insurance provider para sa dagdag na protection.
Kailangan ko bang mag-check-in nang mas maaga para makasakay sa tren?
Kadalasan, hindi na kailangan ng formal na check-in sa train station (hindi tulad sa airport). Dumating ka sa station nang at least 15-30 minutes bago umalis ang tren. Kung high-speed, international, o may security check ang sasakyan mong train, mas okay na agahan mo pa ang dating.
I-check mo rin ang specific guidelines ng train carrier mo kasi pwedeng magkaiba sila ng rules.
Ano ang mangyayari kung mawala ang gamit ko sa isa sa mga tren ninyo o sa istasyon?"
Kung mawala ang gamit mo sa tren o station, agad kang makipag-ugnayan sa lost and found department ng train carrier. Sila ang tutulong para hanapin at maibalik sa iyo ang iyong gamit.
Pwede ka ring lumapit sa aming customer care kung kailangan mo ng gabay kung paano kontakin ang tamang train carrier.
Paano ko makokontak ang kumpanya ng tren?
Usually, makikita mo ang contact info ng train carriers sa official website nila.
Madalas, andun yung customer care number, email address, at social media links nila.
Kung kailangan mo pa ng tulong, ikontak ang GCash Travel+ Customer Care Team.
Contact the GCash Travel+ Customer Care team
I-tap mo ang Get Help icon sa ilalim ng iyong booking para makontak ang GCash Travel+ Customer Care Team. Available ang GCash Travel+ Customer Care Team araw-araw mula 9:00 AM hanggang 10:00 PM.
Kung mas gusto mo mag-email, pwede ka rin mag-send sa travel.csgcash@ant-intl.com para sa tulong.