Paano gamitin ang Travel+ sa GCash
Sa GCash Travel+, pwede ka nang mag-book ng mga biyahe diretso sa GCash app. Pwede kang mag-book ng flights, hotels, eSIM, tours, car rentals, at train tickets.
Makikita mo ang GCash Travel+ sa GCash home page. I-tap ang Travel sa ilalim ng Explore the App, o i-tap ang View All > Enjoy > Travel.
Kapag nag-book ka gamit ang GCash Travel+, pumapayag ka sa Alipay+ Voyager Terms Terms and Conditions at Privacy Notice.
Paano ako makakapag-book ng flight?
Note: Bago mag-book, siguraduhing ang passport mo ay valid pa ng hindi bababa sa 6 na buwan pagkatapos ng biyahe mo. I-check din kung kailangan mo ng visa o iba pang travel documents.
- Piliin ang Flights. Piliin ang iyong destination, departure date, at return date (para sa round-trip).
- I-check ang listahan ng mga flight. Ang oras ay naka-24-hour format (00:00–23:59).
- Pumili ng flight at basahin ang Baggage and policy details.
Puwede kang magdagdag ng extra baggage habang nagbabayad (kung pinapayagan) o sa check-in. Karamihan sa flights ay may cancellation fees na naka-set ng airline. - Ilagay ang iyong mga detalye, i-tap ang Book Now, at magbayad gamit ang GCash sa loob ng 30 minuto. Kung hindi ka makakabayad sa oras, madi-decline/fail ang booking. Siguraduhing sapat ang GCash balance mo.
Note: Bago mag-book, siguraduhing tama ang lahat ng pangalan, petsa, at detalye. Ang maling impormasyon ay puwedeng magdulot ng problema sa ticket, extra fees, o denied boarding, depende sa rules ng airline.
Kakabayad ko lang ng flight order, kailan ko matatanggap ang ticket ko?
Pagkatapos mag-book, ang status ay “Ticketing”. Kapag handa na ang ticket mo, magbabago ang status sa “Ticket(s) Issued” at makakatanggap ka ng confirmation email sa loob ng 24 oras.
Paano ko mache-check ang flight booking details?
Kung hindi mo makita ang confirmation email:
- I-check kung tama ang email na inilagay mo noong nag-book ka.
- Sa GCash app, i-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng home page.
- Piliin ang My Orders, tapos piliin ang iyong flight.
- Sa ilalim ng Contact Info, i-check ang iyong email.
- Kung tama ito, i-check ang spam o junk folder ng email mo.
Nag-fail ang flight booking ko, kailan ko makukuha ang flight refund?
Kung nag-fail ang booking mo, agad na magsisimula ang refund process. Makikita mo ito sa iyong GCash Wallet sa loob ng 48 oras.
Kung hindi mo pa rin natatanggap ang refund pagkatapos ng 48 oras, please contact GCash Travel+ Customer Care.
Saan ko mache-check ang ticket at oras ng flight pagkatapos mag-book?
- Buksan ang GCash Travel+.
- I-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng Travel+ home page.
- I-tap ang My Orders at piliin ang iyong flight.
Ang flight times ay naka-24-hour format (00:00–23:59).
Halimbawa:
- Departure: Dubai (DXB) – May 19, 2025, 19:55 (7:55 PM), Monday
- Arrival: Manila (MNL) – May 20, 2025, 09:20 (9:20 AM), Tuesday
- Return departure: Manila (MNL) – June 16, 2025, 12:35 (12:35 PM), Monday
- Return arrival: Dubai (DXB) – June 16, 2025, 18:10 (6:10 PM), Tuesday
Paano kung na-resched o na-cancel ang flight ko?
Kung nagbago o nakansela ang flight mo, ang airline ay magpapadala ng SMS, email, o app notification. Siguraduhing tama ang iyong contact details at i-check din ang spam/junk folders ng email mo. Para sa pinakabagong impormasyon, bisitahin ang website ng airline o makipag-ugnayan direkta sa airline.
Kung kailangan mo pa rin ng tulong, please contact GCash Travel+ Customer Care.
Paano ako makakapag-resched ng flight kung kailangan?
Hindi lahat ng flight ay puwedeng baguhin. I-check ang Baggage and Policy Details sa iyong booking para makita kung puwede ang changes at kung may fees.
Kung pinapayagan ang changes:
- Buksan ang GCash Travel+ mini program at i-tap ang My Travel icon sa kanang itaas.
- I-tap ang My Orders at piliin ang iyong flight.
- I-tap ang Change at piliin ang bagong petsa.
- Sa Remarks, ilagay ang paborito mong oras o flight number (parehong airline at parehong cabin).
- Maghintay ng hanggang 48 oras para sa email mula sa voyager-fliggy@service.alipay.com tungkol sa resulta.
Kung may change fee, magbayad gamit ang GCash sa loob ng 30 minuto para ma-confirm. Kung hindi ka makakabayad sa oras, kailangan mong mag-request ulit ng change o manatili sa original flight mo.
Pwede ko bang baguhin ang booking details (palit ng pangalan, passport details, atbp.)?
Para sa anumang pagbabago sa traveler details (tulad ng pangalan o passport), please contact GCash Travel+ Customer Care.
Maaaring may extra fees depende sa rules ng airline.
Kailan mako-confirm ang flight booking ko?
Kung successful ang order mo, dapat mong matanggap ang flight ticket sa email sa loob ng 24 oras, maliban na lang kung iba ang nakalagay sa ticket status mo.
Kakakompleto ko lang ng order, gaano kabilis ko matatanggap ang flight ticket?
Pagkatapos ng successful order, ipapadala ang ticket mo sa email sa loob ng 24 oras, maliban kung iba ang nakalagay sa ticket status.
Paano ko ika-cancel ang booking at paano ko matatanggap ang refund?
Hindi lahat ng flight ay puwedeng i-cancel. I-check ang Baggage and Policy Details sa booking mo para makita kung puwede ang cancellation at kung may fees.
Kung pinapayagan ang cancellation:
- Sa GCash Travel+ home page, i-tap ang My Travel icon sa kanang itaas.
- I-tap ang My Orders at piliin ang iyong flight.
- I-tap ang Refund at pumili ng reason.
- For round-trip: pwede mong i-cancel ang buong trip o return flight lang pagkatapos ng departure.
- Hindi ka puwedeng mag-cancel ng isang leg lang.
- I-tap ang Yes, cancel the flight para ma-send ang request.
Kung nag-cancel ka dahil sa medical reasons, piliin ang “Unable to fly due to medical reasons (proof needed)” at mag-upload ng mga dokumento, gaya ng:
- Medical records at diagnosis
- Medical invoices (resibo)
- Listahan ng mga gamot
- Malinaw na color copy ng passport ng pasahero
- Test results (lab, MRI, CT, X-ray, atbp.)
- Doctor’s note na nagsasabing hindi puwedeng lumipad ang pasahero (may hospital stamp at pirma ng doctor)
- Proof of relationship kung pati family ay magka-cancel (birth o marriage certificate, o household register)
Pagkatapos mong mag-send ng request, maghintay ng 24 oras para sa email mula sa voyager-fliggy@service.alipay.com tungkol sa status ng cancellation.
Ang refund ay puwedeng tumagal ng hanggang 5 working days bago lumabas sa iyong GCash Wallet.
Paano ako makakapag-book ng hotel?
Sa GCash Travel+ homepage:
- I-tap ang Hotels. I-search ang iyong city o hotel at piliin ang check-in at check-out dates.
- Pumili ng hotel at basahin ang terms at privacy policy.
- Ilagay ang iyong booking details.
- I-tap ang Book Now at magbayad gamit ang GCash. Siguraduhing may sapat na balance ang iyong GCash Wallet.
Bago magbayad, siguraduhing final na ang dates mo. Hindi mo na mababago ang booking pagkatapos ng payment.
Pagkatapos mag-book, ang status ay magiging “Confirming.” Kapag tapos na, magbabago ito sa “Confirmed” at makakatanggap ka ng confirmation email sa loob ng 30 minuto.
Para i-check ang email:
- I-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng Travel+ homepage.
- Pumunta sa My Orders at buksan ang hotel booking mo.
- Sa ilalim ng Contact Info, i-check kung tama ang email.
- I-check ang junk o spam folder.
Kung hindi ka nakatanggap ng confirmation email, markado ang booking mo bilang “Canceled” at makakatanggap ka ng refund sa loob ng 5 working days.
Paano ko makikita ang hotel booking details ko?
Para makita ang hotel booking mo:
- I-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng homepage.
- I-tap ang My Orders at piliin ang hotel booking.
You will see your booking details and status.
Kung may problema sa destination city o hotel mo, magpapakita ang GCash Travel+ ng reminder sa ilalim ng booking mo.
Paano ko ika-cancel ang hotel booking?
Makaka-cancel ka lang kung:
- Ang check-in date mo ay mahigit 24 oras pa mula ngayon, at
- Pinapayagan ng hotel ang cancellation.
Kung hindi pinapayagan ng hotel ang cancellation, hindi puwedeng i-cancel ng GCash Travel+ ang booking.
Maaaring may cancellation fees, at maaaring hindi buo ang refund mo.
Para mag-cancel:
- I-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng homepage.
- I-tap ang My Orders at piliin ang hotel booking.
- I-tap ang Cancel Booking.
Kapag nakansela na, magpapakita ang status na Canceled Successfully at makakatanggap ka ng email.
Paano ko malalaman kung eSIM-supported ang device ko?
May 2 madaling paraan para i-check kung eSIM-supported ang phone mo:
1. I-check gamit ang EID (Embedded Identity Document Number)
- I-dial ang
*#06#at i-press ang call. - Kung eSIM-supported ang phone mo, makikita mo ang EID number sa screen.
2. I-check sa Settings ng phone mo
Para sa iOS:
- Pumunta sa Settings > General > About.
- Kung eSIM-supported ang phone mo, makikita mo ang EID section.
- Siguraduhing ang Carrier Lock ay naka-No SIM Restrictions.
Para sa Android:
- Pumunta sa Settings > Network & Internet.
- Kung eSIM-supported ang phone mo, makakakita ka ng “+” button para magdagdag ng isa pang mobile plan.
Kailan ako puwedeng mag-install ng eSIM?
Mag-install ng eSIM ilang oras bago ka umalis papunta sa ibang bansa.
Karamihan sa eSIM packages ay magsisimulang gumana kapag ang phone mo ay nakakuha na ng mobile data mula sa local carrier sa destination mo.
May ilang eSIM na nagsisimula agad pagkatapos mong i-install, kahit nasa home country ka pa.
Laging basahin muna ang activation policy ng eSIM mo.
Makikita mo ang activation policy sa iyong booking details sa GCash Travel+:
- I-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng homepage > My Orders > piliin ang eSIM booking mo.
Paano mag-install at mag-setup ng eSIM?
Bago mag-install, siguraduhin na:
- eSIM-supported ang phone mo, at
- May stable internet connection ka.
Para sa Android devices:
- Pumunta sa Settings > Network & Internet.
- I-tap ang “+” sa tabi ng SIMs.
- I-tap ang Download a SIM instead at pagkatapos ay Next.
- I-scan ang QR code na ibinigay ng GCash Travel+.
- Kapag lumabas na ang network info, i-tap ang Download para ma-install.
Para sa iOS devices:
- Pumunta sa Settings > Cellular > Add eSIM.
- I-tap ang Use QR Code at i-scan ang QR code mula sa GCash Travel+.
- I-tap ang Continue at maghintay ng ilang minuto para kumonek ang eSIM.
- I-tap ang Done.
- I-tap ang Activate eSIM, tapos Continue para matapos.
Pwede ba akong mag-top up ng data sa eSIM packages ko?
Oo. Kung gumagamit ka ng Daily Data Package, puwede kang bumili ng add-on na data sa pamamagitan ng pag-tap sa Add On button.
Ang add-on ay nagbibigay lang ng extra data. Hindi nito pinapahaba ang end date ng main eSIM package mo.
Halimbawa:
- Mayroon kang 7-day daily data package.
- Sa huling araw, bumili ka ng add-on at 5 oras na lang ang natitira bago mag-end ang plan.
- Gagana agad ang add-on data, pero para lang sa natitirang 5 oras.
- Kahit na ang add-on ay puwedeng tumagal ng hanggang 24 oras, matatapos pa rin ito kasabay ng original package.
Kung kailangan mo pa ng data pagkatapos mag-expire ang package mo, kailangan mong bumili ng panibagong eSIM package.
Paano ko makikita ang current data usage ko?
Para i-check ang eSIM data usage sa GCash Travel+:
- I-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng GCash Travel+ homepage.
- I-tap ang My Orders at hanapin ang eSIM package mo..
- Makakakita ka ng gauge na nagpapakita ng nagagamit na data at natitirang data.
Maaari mo ring i-check ang data usage sa Settings ng phone mo. Karamihan sa eSIM-supported phones ay may section para sa mobile data usage.
Paano ako makakapag-book ng attraction o tour ticket?
Sa GCash Travel+ homepage:
- I-tap ang Attractions.
- Piliin ang iyong city o ang attraction/tour na gusto mo.
- Basahin ang terms at privacy policy.
- I-tap ang Book Now at magbayad gamit ang GCash.
Bago magbayad, siguraduhing final na ang date mo. Hindi mo na mababago ang booking pagkatapos ng payment.
Confirmed ang booking kapag ang status sa order page ay "Confirmed", at nakatanggap ka ng confirmation email.
Para i-check ang email:
-
I-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng GCash Travel+ homepage.
- I-tap ang My Orders, buksan ang booking mo, at i-check ang Contact Info.
- I-check ang junk o spam folder.
Kung hindi ka nakatanggap ng email, ang booking ay mamarkahang "Canceled" at makakatanggap ka ng refund sa loob ng 5 working days.
Paano ko makikita ang attraction/tour booking details ko?
Para makita ang booking mo:
- I-tap ang My Travel > My Orders.
- Piliin ang attraction/tour booking mo.
May ilang lugar na ire-redirect ka sa official site nila para ma-download ang e-ticket mo. Sundin ang mga steps sa site na iyon.
Nag-book ako ng day tour, magre-reach out ba sa akin ang tour operator?
May ilang tour operators na makikipag-ugnayan sa iyo bago ang trip, pero depende ito sa package. I-check ang Booking Details mo.
Kung walang kumontak sa iyo, pumunta sa meeting place sa oras na naka-indicate. Makikita ito sa Itinerary Details sa Reservation Details page.
Kung kailangan mo ng tulong, kontakin ang GCash Travel+ Customer Care.
Pwede ko bang i-cancel ang booking ko?
Bago mag-book, basahin ang cancellation policy sa Product Details.
Pagkatapos ma-confirm ang booking, makikita mo ang rules sa Cancellation Policy tab sa iyong order.
Note: Bago mag-book ng car rental, siguraduhing 18 taong gulang pataas ka at may valid driver’s license mula sa iyong home country. Kadalasan, kailangan mong may full license nang hindi bababa sa 1–2 taon. I-check ang eksaktong rules sa booking page. Hindi tinatanggap ang provisional/learner licenses.
Kung ang driver’s license mo ay gumagamit ng non-Roman alphabet (hal. Arabic, Chinese, Cyrillic), dapat kang kumuha ng International Driving Permit (IDP). Ang mga license mula sa mga bansang hindi kasali sa IDP treaty ay dapat may opisyal na English translation.
Kung magre-rent ka ng kotse sa EU at galing ka sa non-EU country, kailangan mong magpakita ng International Driving Permit kasama ng local license mo.
Paano ako makakapag-book ng car rental?
- Piliin ang Car Rentals at i-search ang iyong city o hotel.
- Ilagay ang:
- Pick-up at drop-off location
- Pick-up at drop-off time
- Driver’s age
- Pumili ng car type at rental provider.
- Basahin ang terms at privacy policy.
- I-tap ang Book Now at magbayad gamit ang GCash. Siguraduhing sapat ang GCash Wallet balance mo.
I-check kung tama ang email at details mo:
- I-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng GCash Travel+ homepage.
- Piliin ang My Orders, hanapin ang car rental booking, at i-check ang Contact Info.
- I-check ang junk o spam folder para sa confirmation email.
Kung hindi mo natanggap ang email, ang booking mo ay imamarkang "Canceled" at makakatanggap ka ng refund sa loob ng 5 working days.
Paano ko ika-cancel ang car rental?
Ang pag-cancel ay puwedeng may fee o puwede ring walang refund.
Pakibasa ang cancellation policy at terms bago mag-cancel.
Para i-cancel ang booking:
- I-tap ang My Travel > My Orders at piliin ang car rental booking na gusto mong i-cancel.
- I-tap ang Cancel Booking.
Ano ang mangyayari kung na-cancel o na-delay ang car rental ko?
Kung na-delay o nagbago ang biyahe mo, kontakin agad ang car rental company at sabihin ang bago mong arrival time.
Kung inilagay mo ang flight details mo sa booking, puwedeng i-track ng rental company ang flight mo at i-hold ang sasakyan ng hanggang 1 oras, basta nasa loob pa ito ng business hours nila.
Hindi ito garantisado.
Pangit ang kondisyon ng car rental nung kinuha ko, ano ang dapat kong gawin?
Kung pangit ang kondisyon ng kotse pag-pick up mo:
- Sabihin agad sa car rental staff at humingi ng ibang sasakyan.
- Kung hindi nila ayusin ang problema, kontakin ang GCash Travel+ Customer Care para matulungan kang mag-arrange ng ibang kotse kasama ang rental company.
Pwede bang higit sa isang driver ang magmaneho ng kotse habang ginagamit namin ang service?
Oo, puwedeng higit sa isang driver.
Sa rental counter:
- Sabihin sa staff na gusto mong magdagdag ng extra driver.
- Dapat personal na present ang extra driver na may license at valid ID.
- Magbabayad ka ng extra driver fee direkta sa car rental company pag-pick up ng kotse.
Kung hindi mo sila formal na idadagdag, puwedeng hindi ka ma-cover ng insurance at puwede kang maging fully liable sa anumang damage.
May ilang rental companies na naniningil ng fee per extra driver, at may ilan na pumapayag sa isang free extra driver. Pakitanong sa rental company ang eksaktong presyo at rules.
Naaksidente ako habang naka-car rental, paano ako magke-claim ng insurance?
Ikinalulungkot namin na nangyari ito. Pakisigurong itabi ang mga dokumentong ito:
- Car rental agreement
- Car damage inspection report
- Resibo ng penalty/charges para sa insurance claim
Para simulan ang insurance claim:
- Kontakin ang GCash Travel+ Customer Care Team at ipadala sa kanila ang mga nasabing dokumento.
Ang processing time ng claim ay iba-iba depende sa insurance company.
Paano ako makakapag-book ng train ticket?
- I-tap ang Train. I-search ang origin at destination at piliin ang departure date.
- Ilagay ang: origin station, destination station, date of departure, and number of passengers (adult, senior, youth).
- Piliin ang oras at train carrier.
- I-confirm ang seat type at basahin ang policies.
- I-tap ang Book at magbayad gamit ang GCash. Siguraduhing sapat ang wallet balance mo.
I-check kung tama ang iyong email at details:
- I-tap ang My Travel icon sa kanang itaas ng GCash Travel+ homepage.
- Piliin ang My Orders, hanapin ang train booking, at i-check ang Contact Info.
- I-check ang junk o spam email folder.
Kung hindi ka nakatanggap ng email, mamarkahan ang booking bilang “Canceled” at makakatanggap ka ng refund sa loob ng 5 working days.
Puwede ba akong mag-reserve ng specific seat?
Hindi. Walang seat selection na supported.
Ang seats ay automatic na ina-assign ng train carrier. Kung may special needs ka, pakikontak direkta ang train carrier.
Makikita mo ang carrier details at ang iyong order kapag i-tap mo ang My Travel icon > My Orders.
Gaano katagal bago ko matanggap ang booking confirmation pagkatapos magbayad?
Dapat mong matanggap ang booking confirmation sa loob ng 5 minuto pagkatapos ng payment.
Kung hindi ka nakatanggap ng email, pakikontak ang GCash Travel+ Customer Care Team.
Pwede ko bang palitan ang ticket date at time?
Hindi. Hindi mo puwedeng baguhin ang date, time, o stations sa iyong train ticket.
Kung magbabago ang plano mo, kailangan mong i-cancel ang ticket at bumili ng bago. Maaaring may cancellation fees, kaya pakibasa ang refund policy bago mag-cancel.
Covered ba ng insurance ang trip ko?
Wala kaming ino-offer na insurance add-ons para sa train trips.
I-check sa train carrier kung may kasamang insurance ang biyahe mo. Puwede ka ring bumili ng travel insurance mula sa ibang insurance provider.
Kailangan ko bang mag-check in nang mas maaga para sumakay sa train?
Karamihan sa trains ay hindi kailangan ng check-in, pero mas mainam na dumating 15–30 minuto bago ang departure.
Para sa high-speed, international, o may security check na trains, mas mabuti pang dumating nang mas maaga. Sundin ang guidelines ng train carrier.
Ano ang mangyayari kung mawala ang gamit ko sa isa sa mga train o sa station?
Kung may nawala kang gamit sa train o sa station:
- Kontakin agad ang lost and found ng train carrier.
Pwede mo ring kontakin ang GCash Travel+ Customer Care Team para matulungan kang makipag-ugnayan sa carrier.
Paano ko makokontak ang train carrier?
Pumunta sa official website ng train carrier para makita ang kanilang phone, email, o social pages.
Kung kailangan mo ng tulong, kontakin ang GCash Travel+ Customer Care Team.
Contact the GCash Travel+ Customer Care team
I-tap ang Get Help icon sa ilalim ng iyong booking para makontak ang aming Customer Care Team.
Available kami araw-araw mula 9:00 AM hanggang 10:00 PM. Maaari ka ring mag-email sa travel.csgcash@ant-intl.com.