Bakit bumaba ang GLoan offer ko?
Nagbabago ang GLoan offers base sa regular na pag-review ng profile at activity mo. Kahit na-approve ka na dati, hindi ibig sabihin na lagi kang eligible o na pareho lang palagi ang loan offer mo.
Note:
Hindi pwede mag-request ng mas mataas na credit limit. System-set ito at hindi pwede i-adjust manually.
Pero, weekly chine-check ng GCash ang eligibility mo. Kapag qualified ka para sa increase, i-no-notify ka namin agad. Ito ang ilang tips na makakatulong:
- GCash Use: Tuloy-tuloy lang sa paggamit ng Cash In, Pay QR, Pay Bills, GSave, GInvest.
- Repayment: Magbayad ng loans on time o mas maaga.