Pwede ba akong magbukas ng GCrypto account?
Ang GCrypto ay isang feature kung saan pwedeng bumili, magbenta, at mag-manage ng cryptocurrency via the GCash app. Ito ay isang simple at secure na paraan para mag-explore ng digital assets at mag-build ng portfolio gamit ang GCash account mo.
Sino ang qualified magbukas ng GCrypto account
Qualified kang mag-open ng GCrypto account kung ikaw ay:
- At least 18 years old
- Fully Verified GCash user
- Na-update ang user profile mo sa loob ng huling 3 taon
- May verified email address
Paalala:
Ayon sa Terms and Conditions, isang GCrypto account lang ang allowed per user. Kung naka-link na ang email mo sa isang existing na GCrypto account, hindi ka na makakagawa ng bago.
Paano gumawa ng GCrypto account
Kung pasok ka sa mga requirements sa itaas, pwede ka nang magpatuloy sa paggawa ng GCrypto account. Ito ang mga steps:
- Sa GCash App, i-tap ang GInvest > GCrypto
- Pindutin ang Get Started
- Kung applicable, ilagay ang 6-digit authentication code at pindutin ang Submit
- I-tap ang I Agree
- Punan ang Risk Profile questionnaire at i-tap ang Submit
- Basahin lahat ng agreements (e.g. Terms and Conditions, Privacy Policy, etc.
- Pindutin ang I have read and agree to all of the following at i-tap ang Go to GCrypto
Magiging approved kaagad ang GCrypto application kung walang errors o issues.
Kung may errors o issues, makakatanggap ka ng notification na may details. I-review ang binigay na information, i-correct ang mga errors, at mag-submit ulit ng application.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: