Gusto kong palitan ang mobile number na naka-link sa GCash account ko
Para ma-update ang number na naka-register sa GCash, kailangan mong:
-
Gumawa ng GCash account gamit ang bagong number at siguraduhing Fully Verified ito.
-
Mag-request na i-transfer ang mga naka-link na accounts/services mula sa luma mong number papunta sa bago.
Mga Dapat Alamin Bago Palitan ang Mobile Number na Nakalink sa GCash
Para magawa ang transfer ng linked accounts at services, kailangan fully verified ang old mobile number. Ang mobile number update para sa GSave ay supported lang sa CIMB accounts. Para sa lahat ng ibang GSave accounts, kailangan ang mobile number update requests ay i-diretso sa partner bank.
Hindi mai-transfer sa bagong number:
- Previous Transaction history
- GScore
- GForest
- Piggy Bank
Isasara sa records namin ang lumang number mo, at hindi mo na ito ma-access.
Para mag-request ng transfer ng GCash services sa bago mong GCash number:
-
Mag-take ng photo ng isang valid ID. Heto ang list ng IDs:
- National ID (Card Type)
- National ID (Paper Type) / Digital National ID
- Passport
- HDMF (Pag-Ibig Loyalty Plus)
- Driver's License
- Philippine Postal ID
- PRC ID
- UMID
- SSS ID
- Student ID (para sa GCash Jr. accountholders)
- Alien Certificate of Registration (ACR)
- Special Resident Retiree's Visa (SRRV)
- DFA/Diplomat ID
- Alien Employment Permit
- Mag-take ng clear photo ng sarili mong hawak ang valid ID.
- I-submit ang request dito at attach ang photo ng valid ID at selfie photo.
Ang transfer ng Wallet Balance at GCash services sa new number ay aabot ng hanggang 14 calendar days.
Recovery Period | GCash Product/Service |
Within 48 hours | Wallet balance |
Within 14 days |
GStocks PH, GSave (CIMB only*), GCash Card, GCash Pera Outlet, GCrypto, GLoan, GCredit, GGives, GInsure Paalala: Para sa ibang GSave products tulad ng #MySaveUp, eC-Savings, EzySave+, at #UNOready, kailangan mag-request ng pag-update ng linked mobile number diretso sa banko. |
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Paano mag-transfer ng linked GCash VISA/Mastercard Card sa bagong mobile number?
- Paano mag-update ng mobile number para sa GCredit account ko?
- Paano mag-update ng mobile number para sa GGives account ko?
- Paano mag-update ng mobile number ko sa GLoan?
- Paano mag-update ng account information sa GStocks PH account?
- Paano mag-update ng account information ko sa GFunds?