Bayaran ang iyong GLoan dues
Alamin kung paano bayaran ang iyong GLoan dues sa GLoan dashboard, Pay Bills, o sa mga Payment Partners ng GCash.
Sundan ang steps na ito para bayaran ang iyong dues sa GLoan dashboard:
- Sa GLoan management page, makikita mo ang breakdown ng iyong babayaran. I-click ang ‘Pay for GLoan’.
- Ilagay ang amount na nais mong bayaran at i-click ang ‘Next’.
- I-review ang amount na nais mong bayaran at i-tap ang ‘Pay’ button.
Note: Kapag nagbayad ka ng iyong GLoan dues in advance, makakakuha ka ng interest cashback at maaari ka ulit kumuha pa ng isang GLoan depende sa aming assessment.
Mapupunta ka sa payment success page para i-confirm na successful ang iyong payment sa GLoan.
Sa GCash Pay Bills dashboard, piliin ang Fuse Lending, Inc.
Ihanda ang iyong Loan Account ID kapag magbabayad ng iyong GLoan dues. Eto ang reference number / code / id na iyong i-input sa Bills Payment page para makapagbayad sa tamang GLoan account.
Paalala: Ang pag-proseso ng mga bayad sa GCash Pay Bills ay sa susunod na busines day pagkatapos magbayad.
Para magbayad ng GLoan dues sa other payment partners, ilagay ang Fuse Lending sa Biller at ilagay ang iyong Loan Account ID sa loan reference number. Ang iyong Loan Account ID ay makikita sa iyong GLoan dashboard.
Payment Partner | Account Number |
Bank of the Philippine Islands | GLoan Account Number |
Metrobank | |
Banco de Oro (BDO) | GCash Registered Mobile Number |
Bayad Center |
Paalala: Ang pag-proseso ng mga bayad sa offline partners ay umaabot ng one business day pagkatapos magbayad. Upang maiwasan ang late payment charges, mabuting bayaran ang GLoan dues ninyo nang mas maaga, bago ang due date.
Kung may problema ka sa pagbabayad ng GLoan, tulad ng mga issue na binanggit sa ibaba, mag-click dito upang humingi ng tulong.
- Hindi ako makabayad ng loan sa GLoan
- Hindi nagre-reflect ang payment ko sa GLoan
- Hindi ako nakatanggap ng interest cashback pagkatapos ng 14 business days
- Na-charge ako nang maraming beses sa aking GLoan payment
- Na-charge ako ng late payment fee kahit nagbayad ako bago ang due date