Pwede ba akong mag-apply para sa GLoan?
Ang GLoan ay isang pre-approved loan para sa mga select users, kung saan pwede kang humiram ng pera na matatanggap mo sa iyong GCash wallet sa loob ng 24 oras pagkatapos ng iyong application.
Pwede kang mag-qualify sa GLoan kung ikaw ay:
- 21-65 years old
- Filipino Citizen
- Fully Verified GCash user
- Gumagamit ng GCash services
*Tandaan: Ang GLoan offers at approval ay dumadaan sa evaluation at hindi guaranteed, kahit na pasado ka sa minimum requirements sa itaas.
Sa GCash homepage, i-click ang Borrow > GLoan. Kung ikaw ay eligible, makikita mo ang loan offer amount na available sa iyo. Kung hindi ka pa qualified sa GLoan, makikita mo ang ilang mga tips para ma-unlock ito.
Kung hindi qualified para sa GLoan
Kapag nag-click sa Borrow > GLoan sa iyong GCash homepage, makikita mo ito.
Para ma-unlock ang GLoan, patuloy na gamitin ang GCash features katulad ng Pay Bills, Buy Load, Cash In, Send Money, GInsure, at GInvest. Tinitignan ng GCash ang iyong eligibility kada linggo, para kung sakaling mag-qualify ka makaka-apply ka kaagad sa susunod na linggo.
Kung qualified para sa GLoan
Kung eligible ka para sa GLoan, makakatanggap ka ng SMS. Kapag nag click sa Borrow > GLoan sa iyong GCash homepage, makikita mo ang screen na ito. I-select ang Get Started sa baba ng screen para simulan ang iyong loan application.
Paano mag-avail ng GLoan
Sundin ang mga steps na ito para makapag-apply ng GLoan:
- Basahin ang GLoan information > Get Started
- Ilagay ang loan amount at purpose of loan, at i-click ang Get this Loan
- I-review ang loan terms at i-tap ang Continue
- Kumpletuhin ang mga detalye at i-tap ang Next
- I-review ang application > Continue
- Basahin at mag-agree sa Disclosure Statement at Terms and Conditions ng loan at i-click ang Continue
- I-check ang amount > Continue
- Ilagay ang 6-digit authentication code na ipinadala sa iyong GCash-registered mobile number
Kapag nakumpleto mo ang application process, matatanggap mo ang loan sa iyong GCash wallet sa loob ng 24 hours. Makakatanggap ka ng confirmation mula sa GCash via SMS at sa iyong GCash registered email.
Kung may mga katanungan ka pa tungkol sa iyong qualification sa GLoan, mag-click dito para humingi ng tulong.
Need more Help?
Para sa katanungan o karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles dito: