Nag-fail ang GCash account verification ko. Anong dapat kong gawin?
Kung na-reject ang account verification mo, panoorin ang video sa ibaba para alamin kung ano ang common reasons ng verification errors at kung paano maayos ito:
Kung nakatanggap ka ng SMS notification na hindi successful o rejected ang GCash verification, tignan ang message para alamin kung bakit. Ito ang ilan sa mga posibleng naging dahilan at mga pwede mong gawin sa susunod:
Hindi ma-verify nang maayos ang sinubmit mong photo dahil ang selfie scan na kinuha ay:
- Blurred: Siguraduhing malinaw ang photo
- Too Dark: Mag-scan kung saan may maayos na ilaw
- Obstructed: Siguraduhing kita ang buong mukha at hindi ito natatakpan
Mga Tips Para sa Successful Selfie Scan:
- Lighting: Kunin ang photo sa maaliwalas na area
- Visibility: Siguraduhing kita ang buong mukha
- Background: Iwasan na may ibang tao sa background
- Attire: Magsuot ng shirt o top sa selfie scan
Ibig sabihin nito ay may problema sa pag-picture o sa mismong ID mo.
Mga Tips Para sa Successful ID Submission:
- Original & Valid ID: Gamitin ang mismong ID, hindi ang photocopy/xerox/scanned na copy. Siguraduhin na isa ito sa mga tinatanggap na ID at HINDI ito expired
- Good Lighting: Kumuha ng photo sa maliwanag na lugar
- Fully Visible: Siguraduhin na buong ID ang nakuhanan ng photo at hindi ito naputol
- Clear: Siguraduhin na hindi blurred ang ID at ang mga detalye dito
- Orientation: Kuhanan ang ID sa tamang angulo
- Details should match: Ang mga info na nakalagay sa ID mo ay dapat katulad ng info na nilagay mo sa iyong GCash app
Kung nag-fail ang GCash account verification mo dahil hindi ka nakapag-submit ng additional documents sa loob ng 10 araw, ito ang pwede mong gawin:
- Buksan ang GCash app > Profile
- Pindutin ang Verify Now para masimulan muli ang proseso
- Kung hinihingan ka ng additional documents, siguraduhin na maipasa ito sa loob ng 10 araw mula sa application date
- Pagkatapos mong mag-submit, maghintay ng 4 working days para ma-review ng GCash ang iyong mga documents
Para masigurado na successful ang verification mo, sundan ang tips na nabanggit at subukan muli sa pagpunta sa GCash app > Profile > Verify Now.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: